Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jane kawawa: ‘Darna’ gustong ibalik kay Liza

0 283

Biglang nabuhay ang isyu na dapat ibalik kay Liza Soberano ang role na Darna. Kumalat nga sa social media ang video ng martial arts training ni Liza na dapat ay para sa remake ng “Darna” movie, dalawang taon na ang nakakaraan.

Bigla ngang uminit ang curiosity ng mga tao sa project na ito at sa kakayahan ni Liza bilang Darna. At sa totoo lang, sa porma, kilos, facial expression ni Liza sa training, bagay na bagay sa kanya ang mag-Darna.

Pero, kanya-kanyang pabida rin ang mga fan nina Nadine Lustre, Anne Curtis, Maja Salvador, dahil sa training video na `yon ni Liza.

May nag-post ng video ni Nadine na kunyari ay sumubo ng bato at sumigaw ng Darna.

Ipinakita naman ng mga fan ni Anne ang matitinding action scene ng idol nila sa pelikulang “Buy Bust”.

Ang mga ksena naman ni Maja sa “Wildflower” ang ipinangalandakan ng kanyang mga supporter.

Tahimik naman ang mga fan ni Jane de Leon na gaganap na Darna ngayon sa iWantTFC ng ABS-CBN. Kailan kaya maglalabas ng training video si Jane?

***

Inakusahang malas: Rachel Peters minura ang fan

Nawalan ng poise at minura ni Rachel Peters ang isa niyang follower na nag-akusang malas siya sa pag-aalaga ng mga pet dog dahil lagi itong namamatayan.

@ezmoneyswiiper: “You seem to have really bad luck caring for dogs maybe you should stop tbh. Following you for not even a year and this is then 2 or 3rd dead dog with a weird story attached to it?”

SM food to go Banner Ad

Hindi napigilan ni Rachel ang sarili kaya minura niya ito.

“@ezmoneyswiiper fuck off!”

Nagluluksa ngayon si Rachel kaya mahina ang pasensya niya. Base sa caption niya sa mga larawan ng kanyang pet dog, namatay ito sa pagkakalunod.

Hindi sadya ang nangyari sa aso, dahil mas inuna lang sagipin ni Rachel ang nalulunod na surfer. Wasak ang puso ng beauty queen sa nangyari dahil hindi na niya makakasama ang kanyang alaga ngayong Pasko.

***

Wilma game magpababoy para kay Torres

Para kay Ormoc Rep. Lucy Torres-Gomez, kayang tanggapin ni Wilma Doesnt ang sinumang babato sa kanya ng ebak at bubura ng kanyang kilay.

Kahit anong pambabastos, panlalait sa kanya ay game lang si Wilma dahil sa pasasalamat at pagmamahal sa kanya ni Cong. Lucy.

Hindi nilinaw ni Wilma kung bakit nakalutang siya sa kaligayahan at handa siya sa anumang negative vibes alang-alang sa nasabing misis ni Ormoc Mayor Richard Gomez.

Nakabalandra sa Instagram ni Wilma ang papuri niya kay Cong. Lucy na nilakipan pa nito ng mensaheng nag-iimbita sa mga basher niya na galitin siya at ‘di siya maaapektuhan.

Well, magkaibigan naman talaga sina Wilma at Lucy noon pa, pero exceptional ang saya ni Wilma ngayon. At ano kaya ang dahilan?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.