Una sa Balita

Jane huhusgahan kung may hatak

0 510

Alam mo, Dondon, kung hindi mauudlot, ngayon ang first shooting day ng “Darna” movie ni Jane de Leon.

Naku, finally, after so many years at from Angel Locsin to Liza Soberano and now Jane, matutuloy na rin ang shooting ng “Darna” movie na ang hula ng marami ay isasali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2020, huh!

Siyempre, out na rin ang Reality Entertainment ni Dondon Monteverde after nga ng resignation sa pelikula ni Direk Erik Matti. Pumalit dito si Direk Jerrold Tarog.

Sana lang, after maraming ma-out sa “Darna” movie ay maging in pa rin talaga ito dahil sa sobrang tagal, ‘noh?!

Ang alam ko nga pala, this month din nakatakdang mag-shooting para sa “Darna” si Paulo Avelino.

Anyway, kagabi ay nagbida muna si Jane sa “MMK (Maalala Mo Kaya)” ng ABS-CBN.

Bukas lalabas ang ratings ng “MMK” at ang katapat nitong programa, kaya magkakaalaman kung sinuportahan ba ng Kapamilya fans ang episode ni Jane sa drama anthology na iniho-host ni Ms. Charo Santos-Concio.

Princess Punzalan pinasabik ang mga fan

May sightings kamakailan sa premyadong aktres na si Princess Punzalan.

May mga fan si Princess na na-excite.

Magbabalik-showbiz ba si Princess na based na ngayon sa California? May project daw ba siya?

Si Pops Fernandez na naka-bonding ni Princess noong Friday ang inusisa ko.

“Super short stay lang. I think she’s leaving today. She attended a wedding, kaya nagkita lang kami,” sabi ni Pops na BFF ni Princess.

Ay, sayang, hindi naman pala umuwi si Princess para gumawa ng acting project.

Sayang din at akala ko pa naman ay manonood si Princess ng “Two-Gether Again” nina Pops at Martin Nievera sa The Theater at Solaire ngayong February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21.

Anyway, sa California naman ay nanood na si Princess kay Pops at kasama pa nila ang isa pa nilang BFF na si BB Gandanghari.

Viva Hotbabes nagsalo sa isang bubong

Bongga rin itong si Andrea del Rosario at masasabing isa nga siya sa pinaka-successful sa mga naging Viva Hotbabes.

Noong Thursday, ginanap sa bahay nila ang post-Christmas get-together ng ilang naging Viva Hotbabes, plus ‘yung mga taga-Viva na nagha-handle sa kanila.

Ang ilan sa mga um-attend sa event na ‘yon sa bonggang bahay ni Andrea ay sina Katya Santos (na kasama sa cast ng “Make It With You”, Sheree, Jaycee Parker, Gwen Garci at Zara Lopez.

In fairness sa lahat ng mga nabanggit, mukhang pare-parehong ok naman ang mga buhay nila, huh!

Malayo sila sa ibang mga nagpa-sexy noong araw na sa wala nauwi ang lahat ng mga kinita at kung ano-ano pang bisyo ang kinasadlakan, ‘noh?!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More