Una sa Balita

Jane de Leon pinag-aagawan sa commercial

0 711

Salamat sa Darna:

Grabe lang ‘yung parang hinila paitaas ang career ni Jane de Leon, kung ang pagbabasehan ay ang Instagram follower niya. ­Imagine, sa loob lang ng apat na araw, mula sa 600,000 na follower niya, lumobo na ito sa isang milyon, ha!

Parang sa isang araw ay halos 100,000 ang nagpa-follow sa kanya. At ‘yun ay dahil siya na nga ang bagong Darna.

“HIT 1 MILLION! PAYAKAP PO! Maraming Salamat sa pagmamahal at suportang binigay niyo po sakin. MAHAL KO PO KAYO!” sabi ni Jane.

Kaaliw rin na ang daming nagki-claim na kesyo noon pa man, alam nilang sisikat si Jane. Bukod sa maganda, seksi pa ito, at may karakter.

Kunsabagay, sabi ko nga, kahit ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, pati ang anak niyang si Roselle Monteverde, noon pa man ay nakita na ang malaking potensiyal ni Jane.

Sila nga ang unang sumugal kay Jane. Binigyan nila ito ng mga pelikulang The Debutantes at Walwal.

At nakakaloka na biglang-bigla may mga produkto na sinasabing may kontrata sa kanila si Jane, na ito ang endorser nila. At balita ko, ngayon pa lang ay marami na ang nagi-inquire sa serbisyo ni Jane para maging commercial model, endorser nila.

Heto nga ang tuwang-tuwa na reaksyon ng mga kaibigan ni Jane sa showbiz, pati na rin ng mga fan niya:

“Onwards and upwards!” sabi ni Tim Yap.

kirk__lexsus “Wow nafollow kita noon mga 100k+ ka pa lang ngayon 1M na si Future Darna.”

melissafrancisco11 “Can’t wait to see you as Darna!”
miss.analyn “Hindi ka pa Darna, mahal na kitaaa.”

nadzzzz31 “Galingan mo maging Darna.”

louisselouisselopez “Nag-bloom ang aming Darna.”

Well, sabi nga, everybody loves a winner… (Dondon ­Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy