Una sa Balita

Jana Victoria isinugod sa ospital

0 655

As I write this ng 3:30PM yesterday, wala pang update sa kalagayan ng aktres na si Jana Victoria na isinugod sa isang ospital sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Pinadalhan ako ng pictures kung saan ay makikitang tsine-check-up si Jana.

Makikitang naka-dextrose si Jana at may ilang medical apparatus na nakakabit sa kanya.

Ayon kay Jana mismo, “My left arm and left leg are numb.”

Affected nga raw ang left body niya.

Hindi pa nga alam ng mga doktor kung ano ang nangyari sa kanya, kaya naka-confine siya ngayon sa nasabing hospital.

Sabi ko kay Jana, baka naapektuhan siya ng diet and exercise niya, pero hindi na siya nakasagot pa.

Worried nga kay Jana ang manager niyang si Annabelle Rama.

Nang makausap ko rin si Ruffa Gutierrez ay alam na niya ang pagkaka-ospital ni Jana at ipinagdarasal nga raw nila ang kaibigan.

Habang patapos na ang item na ito ay nag-message si Jana na, “About to do MRI.”

Get well soon, Jana!

Richard, Bea, Angelica sangkatutak ang block screening

Ngayon ang Christmas Station ID shoot ng ABS-CBN.

Hindi lang ako sure kung may ibang Kapamilya stars, hosts, singers na ang naunang nakapag-shoot.

Si Richard Gutierrez ay may shoot ngayon para roon.

After naman, may shooting daw sila ng “Unbreakable” at ang alam ko, kasama na roon si Angelica Panganiban na nakatakdang dumating kahapon mula sa birthday vacation sa Europe.

Kailangan na ni Angelica na mag-shooting mamaya dahil may mga eksena pa siya for “Unbreakable” na hindi pa nakukunan at ipapalabas na nga sila sa November 27.

Alam mo ba, Dondon, napakaraming block screenings ang mga fan nina Richard, Bea Alonzo at Angelica para sa “Unbreakable”.

Actually, halos sabay-sabay nga, kaya ang bongga!

‘Yung block screening ko nga na naka-schedule on November 27, pinaho-hold muna at baka raw hindi mapuntahan ng stars ng “Unbreakable”, pero itutuloy ko na rin dahil darating naman doon ang Gutierrez family, plus si Sarah Lahbati, and some celebrities na naimbitahan ko na.

Si Sarah nga habang nasa Paris, France at nag-e-enjoy with her besties Queenie and Gladees, ang “Unbreakable” pa rin ang topic namin.

Sobrang excited si Sarah sa tambalan ni Richard kina Bea at Angelica. Sobra nga siyang supportive sa “Unbreakable”.

Ang bongga!

Ganoon naman talaga dapat ang mga magkakarelasyon, nagsusuportahan, huh!

So, Dondon, huwag kang mawawala sa pa-block screening ko on November 27 dahil makakatsikahan mo naman doon si Sarah, plus Tita Annabelle and Ruffa.

So go na go na ‘yon!

Ang bongga lalo na at katulong ko sa pagba-block screening ang ilang friends ko, lalo na si Jojo Carlos (and his wife Fiona) of Vienna, Austria na very supportive kay Richard.

Dark horse o kulelat?

Naaliw ako sa sinasabing “dark horse” raw ang isang official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Baka maging box-office hit daw ito.

Well, sana nga kasi may mga nagsasabing ‘yon ang posibleng mag-number one talaga sa dulo (meaning, number eight).

Ouch!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy