Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jamie bibida sa ‘500 Taon ng Kristiyanismo’

0 139

Ilulunsad ng Star Music at Archdiocese of Manila ang official mission song para sa pagdiriwang ng “500 Years of Christianity in the Philippines” na pinamagatang “We Give Our Yes” at bibigyang-buhay ito ng nag-iisang Inspirational Diva na si Jamie Rivera.

Hatid ng “We Give Our Yes” ang lakas ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at paalala para sa mga Pilipino na patuloy na mag-‘yes’ sa misyon ni Hesus.

Kinomisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang awitin noong 2015 National Mission Conference para sa nakatakda at tunay na makasaysayang pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa ngayong 2021 na may temang “Gifted to Give.”

SM food to go Banner Ad

Ang multi-awarded church composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang siyang nagcompose ng “We Give Our Yes” at prinodyus naman ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang espesyal na rendisyon ni Jamie.

Ito na nga ang pinakabagong inspiring song na hatid ni Jamie na kamakailan lamang ay ginawaran ng Hall of Fame award para sa Best Inspirational Song category sa 42nd Catholic Mass Media Awards.

Ang Kapamilya singer din ang nagsilbing boses sa ilan pang natatanging kanta tulad ng “We Are All God’s Children,” “The Jubilee Song,” “Only Selfless Love,” at “Tell the World of His Love.”

Pakinggan ang “We Give Our Yes” ni Jamie Rivera sa iba’t ibang digital platforms simula Biyernes (January 29). (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.