Una sa Balita

Jameson pinalit ni Kisses kay Donny

0 356

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, hanggang nga-yon pala ay may ibang DonKiss fans ang sad na sad pa rin sa pagkakabuwag ng love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Lalo pang na-sad ang karamihan sa kanila nang malamang may bagong pelikula pala sa Regal Entertainment ang young actress na hindi si Donny ang kapareha.

Sa pa-survey kasi ng production company ni Mother Lily Monteverde kung sino ang gusto ng fans ni Kisses na maging new leading man ng dalaga, si Jameson Blake ang nanguna sa botohan.

So, may Kisses-Jameson movie ngayon ang Regal Entertainment, na sabi naman ng mga maka-Donny, sana raw ay magkaroon pa rin ng pelikula in the future ang binata at si Delavin.

Well, mukhang malabo na ‘yon. Sa ngayon, ang alam ko, ipu-push mabuti ng Regal Entertainment ang team-up nina Kisses at Jameson.

Sa survey result nga na ipinakita sa akin ni Roselle Monteverde ay lumalabas na gustong-gusto ng karamihan sa fans ni Kisses na si Jameson na ang ipareha sa dalaga, huh!

Sana lang ay magtagal na ang bagong love team na ito ni Kisses, ‘noh?!

Lorin ayaw pang paligawan ni Ruffa

On August 3, 16 years old na ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez (she’s using Gutierrez as her screen name at hindi Bektas).
Actually, dalaga na ang dating ni Lorin at marami na ang nakaka-appreciate sa social media ng pictures niya na naka-swimwear, huh!
Nagulo nga ang social media world nang mag-post si Lorin sa Instagram account niya (@loringabriella) ng two-piece picture niya na sobrang ganda niya.

In fairness, ang sexy ng panganay ni Ruffa, kaya pati ang lola niyang si Annabele Rama ay hindi nag-react in a negative way sa posting na ‘yon ni Lorin.

Madalas ngang sabihin ni Bisaya na maganda ang katawan ng kanyang first apo, kaya okey lang na may ganoong posting si Lorin.

Saka ang sosyal at ang ganda ng dating ni Lorin, mapa-swimwear, simple dress, gown o kahit ano pa ang isuot niya, huh!

The latest I heard nga, maraming offer si Lorin to endorse ng apparel brand, pero hindi pa yata sila nakakapag-commit.

Aabangan ko nga pala ang Sweet 16 birthday event ni Lorin at malalaman kung papayagan ba ni Ruffa na magkaroon ng escort doon ang kanyang anak.

Kung mahigpit kasi noon si Bisaya kay Ruffa, aba, mas mahigpit si Miss World 1993 se- cond princess kay L­orin.

Noong makita ko nga si Lorin sa Power Plant Mall sa Rockwell last week, pinalapitan talaga ni Ruffa sa akin ang kanyang anak para i-check kung sino ang kasama.

In fairness, kaibigang babae ang kasama ni Lorin dahil mukhang wala pa naman sa isip ng teenager ang tungkol sa mga ligawan, huh!
Baka nga pagdating sa bagay na ‘yon ay hindi lang si Ruffa ang naghihigpit kundi pati si Bisaya!

Gary, Randy, Dingdong, Ogie sanib puwersa sa concert

Magsasaama-sama pala sina Gary Valenciano, Randy Santiago, Dingdong Avanzado at Ogie Alcasid sa isang fundraiser concert on July 6 sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Para ito sa medical mission ng Class ‘84 ng De La Salle Greenhills. Pare-parehong nag-aral sa school na ‘yon ang apat, kaya naman pagdating sa mga ganoong bagay ay palagi silang available!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy