Una sa Balita

Jameson nilait-lait ng kampo nina Elmo-Janella

By
0 97

Nakakatanggap na raw si Jame­son Blake ng iba’t ibang panlalait dahil sa pagsasama nila ni Janella Salvador sa So Connected ng Regal Films. Next year pa naman ito ipapalabas at hindi pa umaandar ang promotions na ito, pero kung ano-ano nang akusasyon ang nababasa niya sa kanyang social media accounts mula sa ElNella fans.

Gustong linawin ni Jameson na wala siyang pla­nong sirain ang loveteam ng dalawa dahil para sa kanya ay isang pelikula lang ito na pareho nilang ginustong gawin at inaprubahan ng kani-kanilang managers.

Anyway, kesa raw ma-bad trip siya sa kanyang mga nababasa, focus daw muna siya sa movie na Haunted Forest mula pa rin sa Regal na ipapalabas na sa December 25 bilang entry sa MMFF 25.

Excited daw siyang makita ang float nito sa gaganaping Parade of Stars dahil alam niyang kakaiba ang sa kanila bilang nag-iisang horror movie sa lahat ng entries.

Naku, sa grand mediacon nga ay nakakasyokot na ang ambience, much more kaya sa kanilang float na dapat ay talagang ma­lakas ang impact dahil libu-libong tao ang makikiusyoso sa kanila, noh!

Tungkol naman sa pagkukumpara ng Haunted Fo­rest sa big hit movie ng Regal Films na Haunted Mansion na naging entry rin noon sa MMFF, para sa kanya ay iba rin ang datingan ng movie nila dahil mas maraming digital works ang ginamit dito para ramdam na ramdam talaga ng lahat ang takot at gulat habang pinapanood ito.

‘Ang Larawan’ higop sa kulturang Pinoy

Isang higop sa ating kultura. Ito ang tagline na naglalarawan daw sa kabuoan ng musical drama na Ang Larawan, ayon sa cast member na si Bernardo Bernardo.

Kahit ang obrang ito ang pinakahuling napili sa entries para sa darating na Metro Manila Film Festival 2017, pero para sa lahat ng bumubuo ng pelikulang ito, ang lamang nila ay ang maayos na pagkakalahad ng pelikula, ang masusing pagpili sa mga artistang gaganap sa iba’t ibang karakter, at ang mensaheng maghahaplos sa kamalayan ng bawat Pilipino.

Ayon nga sa isa sa producers na si Girlie Rodis, lahat ng artistang involved ay pinakiusapan nila tungkol sa talent fee dahil sobrang limitado lamang ang kanilang budget pero kapag napanood mo ang kabuoan nito, para siyang isang ma­laking period movie dahil sa kanilang production design.

Sa totoo nga, ang isa sa pangunahing cast na si Celeste Legaspi ay nabayaran nga raw ni GR pagkalipas ng dalawang taon, samantalang si Paulo Avelino ay ang mismong larawan na ginamit sa pelikula ang hininging kabayaran para sa kanyang role.

Hindi masasabing power house cast sa box-office ang Ang Larawan kumpara sa ibang entries na kinabibilangan nina Vice Ganda, Vic Sotto at Coco Martin, pero masasabing isa itong ensemble ng genuine ar­tists ka­tulad na nga ni Ms. Celeste, Robert Arevalo, Rachel Alejandro, Joanna Ampil, Nonie Buencamino, Dulce, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Base sa three-act play na A Portrait of the Artist As Filipino ng National Ar­tist for Literature na si Nick Joaquin, mahusay itong naisalin ni Direk Loy Arcenas sa pinilakang-tabing.

Isang obra rin ang Libretto na isinulat ng aktor at National Artist for Theater na si Rolando Tinio na sa bawat pagkanta nito ng mga cast ay talagang ikakara­ngal mo bilang isang Pinoy.

Sana nga ay pilahan talaga ito sa takilya dahil matagal na tayong uhaw sa mga ganitong pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy