Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James, Westbrook inaaral galawan

0 93

NAGSIMULA nang hasain nina LeBron James at Russell Westbrook ang chemistry sa loob ng court.

LeBron-to-Russell, Westbrook-to-James ang palitan sa susunod na 76th NBA season, magkakaalaman na kung magre-resulta ‘yun sa isa pang kampeonato sa Lakers.

Dumating sa Los Angeles si Westbrook mula Washington sa free agency.

Kinuha rin ng 17-time champions si veteran Carmelo Anthony na mula high school ay kaibigan na ni LeBron.

Sa Instagram post ni James, magkasama sila ni Westbrook na nag-wo-workout sa isang gym.

“Work with the Brodie!” caption ni James. “I agree I don’t think this will work.”

Ang huling bahagi, patutsada ni LeBron sa haters na nagsasabing hindi raw magki-click ang tandem nila ni Westbrook. Parehong mas epektibo kapag hawak ang bola.

Pero dalawa na silang triple-double machine sa Lakers, idagdag pa si Anthony Davis at si ‘Melo off the bench ay super-team na naman ang LA.

Noong nakaraang season, nagposte si Westbrook ng 22.2 points, 11.5 rebounds at 11.7 assists per game. Si LeBron, puminta ng 25.0 points, 7.7 rebounds at 7.8 assists bawat salang. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.