Una sa Balita

James ungos kay Chamberlain, 5th sa NBA scoring list

By
0 672

NAG-DELIVER si LeBron James ng season-high 44 points, 10 rebounds at 9 assists para giyahan ang Los Angeles Lakers sa 126-117 panalo kontra Portland Trail Blazers Miyerkoles ng gabi.

Sa pinakamaangas na performance sapul nang lumipat sa Lakers noong July, nilagpasan na rin ni LeBron si Wilt Chamberlain sa fifth place ng NBA career scoring list.

Umiskor si James ng 28 sa second half, nilaktawan si Chamberlain sa nakumpletong three-point play 3:55 pa sa fourth quarter. Pagkatapos ng laro, nakatipon na si James ng 31,425.

May 31,419 si Chamberlain, susubukang habulin ni James ang nasa unahan niyang si Michael Jordan (32,292). Top three sa listahan sina Kareem Abdul-Jabbar (38,387), Karl Malone (36,928) at Kobe Bryant (33,643).

Maliban kay Jordan, naglaro lahat sa Lakers ang top 6. Nasa No. 7 si Dirk Nowitz­ki (31,187).

Kinapos ng isang assist si James para makumpleto ang 75th triple-double ng kanyang career.

Bad news lang sa team ang balitang binasag ni La­kers coach Luke Walton na nabalian ng kamay sa laro si Rajon Rondo. Inaasahang ilang linggo ring mawawala ang veteran point guard.

Umiskor si James ng 16 sa third at 12 sa fourth, hindi pinayagang makapagkasa ng final run ang Portland.

May 31 points, 11 assists at 8 rebounds si Damian Lillard sa Blazers, nagdagdag ng 23 si CJ McCollum.

Umayuda si JaVale McGee ng 20 points, may 17 si Brandon Ingram sa Lakers.