Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James sumayaw, multa ng P757K

0 243

SUMAYAW si LeBron James, pinagmulta ng NBA.

Katumbas ng $15K (P757K) fine ang ‘provocative dance celebration’ niya sa 124-116 win ng Lakers sa Indiana noong Miyerkoles.

Napasayaw si LeBron matapos pumasok ang kanyang 3-pointer sa fourth quarter, bahagi ng kanyang season-high 39 points nang burahin ng Los Angeles ang 12-point second-half deficit.

Sa laro bago hinarap ang Pacers, binuno ni James ang one-game suspension sa pagpapadugo sa mukha ni Detroit Pistons center Isaiah Stewart noong Linggo.

Nahulog sa net ang step-back 3, nakasapo sa pagitan ng mga hita si James na pasayaw-sayaw habang pabalik sa depensa.

Tawag sa sayaw na ‘yun ay ‘Sam Cassell Dance’ na naging dahilan din ng multang $15K kay Fred VanVleet ng Toronto matapos gayahin kontra 76ers noong Nov. 12.

Noong 2010-11 nagsimulang pagmultahin ng liga ang mga gumagaya sa sayaw. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.