Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James, Stewart tameme

0 115

MAAYOS natapos ang 76th National Basketball Association 2021-22 regular season game ng Los Anegeles Lakers at Detroit Pistons tampok ang may samaan ng loob na sina LeBron James at Isaiah Stewart Lunes na pinanalunan uli ng una 110-106.

Hindi na-eject sa laro si James na binuhat ang kampo sa likod ng 33 points, 5 rebounds at 9 assist makaraang paduguin ang mukha ni Stewart nang unang maglaban ang kanilang team nitong Nobyembre 20.

Daan iyon para masuspinde ng isang laro si James at pagmultahin ng $284K (P14.3M) samantalang two-agame suspension at $45K (P2.2M) fine ang sinampal kay Stewart ng liga.

Sumuporta si Russell Westbrook ng 25 markers 9 feeds, habang may 24 pts. at 10 rebs. si Anthony Davis sa Lakers.

Nanguna sa Pistons si Jerami Grant na may 32 markers. May 5 pts. at 6 rebs. si Stewart. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.