Una sa Balita

James, Sarah maraming ‘touching’ scenes

By
0 3,803

Naintriga ka­ming panoorin ang original at Korean version ng pelikulang Miss Granny sa dalawang kadahilanan.

Una, dahil kinuha ito ng VIVA Films para i-adapt at pagbidahan ng Pop Star Royalty na si Sarah Geroni­mo.

Pangalawa, dahil sa Korean actress na siyang gumanap as Ms. Granny na si Shim Eun-Kyun. Naintriga kaming panoorin siya dahil sa mga nabasa naming napakagaling daw na aktres at box-office ang karamihang movie katulad nga ng Ms. Granny.

Habang pinapanood namin ang Korean version, na-imagine na agad namin si Sarah sa role. Kung pinanood ni Sarah ang Korean version pwede siyang ma-pressure o ma-challenge sa husay nga ng Korean actress.

Perfect ang choice ng VIVA na si Sarah ang gumanap sa role. Hindi lang sa comedy timing na meron siya, pero mas higit sa requirement ng role na kailangang napakaganda talaga ng boses.

Ibang-iba ang pelikula sa mga past movies ni Sa­rah. Hindi siya nakasentro sa romance though, she will have Xian Lim as her leading man. Pero iba kasi ang konsepto kunsaan, from Sarah’s 70 year old self, bigla na lang niyang makikita ang sarili on her 20’s.

Ang bongga rin ng role ni James Reid sa movie at marami silang touching scenes ni Sarah dito. Sure kami, pang solid Sarah G fans ang movie at mga naghahanap ng family-oriented story dahil ang da­ming makaka-relate.

Ogie ayaw paligawan si Leila

Hindi rin daw alam ni Ogie Alcasid kung bakit siya biglang naging emotional nang samahan ang anak na si Leila Alcasid sa contract signing nito sa Star Music. Naluha si Ogie.

“Hindi ko nga rin alam. I don’t realized. Ganun pala ‘yun, kapag ‘yung anak mo may milestone na sarili. Hindi ko rin inaasahan na magiging ganun ako.”

Time to shine raw ni Leila ngayon. At para raw nag-full circle lahat ngayong 30 years na siya sa showbiz at halos ganitong panahon din when he started at ang anak naman niya ngayon.

Twenty yearS old pa lang si Leila at pangako naman daw nito na ipagpapatuloy ang pag-aaral. In fact, ini-enroll niya raw ito sa University of the Philippines ngayong second sem.

Sa tuluyang pagpasok ni Leila sa showbiz, ang kauna-unahang fear raw ni Ogie para sa anak ay ang siguradong maikukumpara ito sa kanya o sa kanila.

Pero sabi nga niya, “I hope ready siya roon. Ngayon may bashers na at darami pa.”

Aminado rin si Ogie na mahigpit siya sa anak lalo na sa mga nagkakainteres na manligaw rito. Iba raw ang millennials ngayon, parang wala ng ligawan pero natutuwa naman si Ogie na kahit si Leila, gusto pa rin daw nanliligaw talaga.

‘Emo’ talaga si Ogie sa bagong nangyayari sa anak. Kahit sa presscon ng pre-Valentine’s concert nilang apat, ang Misis na si Regine Velasquez, Martin Nievera at Erik Santos na #paMore ng Star Media sa February 10 at Mall of Asia Arena punong-puno pa rin siya ng emosyon sa pagsasalita nang matanong tungkol sa anak.