Una sa Balita

James Reid sinagot ang banat ni Jk Labajo

0 475

Sa dami ng mga sumasali sa programang “Idol Philippines”, isa ang taga-Tuguegarao City na si Luke Baylon sa nasawing makapasok sa next round ng nasabing programa.

Marami ang nadismaya sa pagkaka-ligwak ng aspiring singer kung kaya’t inulan ng pambabatikos ang mga hurado nito maliban kay Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na siyang natatanging nag-YES sa araw na iyon.

Pumalag naman ang isa sa mga hurado na si James Reid sa mga panggigisa ng mga fan sa kanila. Sumagot ito sa pamamagitan ng Twitter. “You have no idea how hard it is to crush peoples dreams right in front of them.

That’s the burden we carry as judges to try and give one special person a chance of a lifetime. Just wait. The auditions isn’t even the hardest part. #IdolPhilippines” sabi ni Reid.

Bukod pa riyan, nagdagdag pa siya ng kanyang saloobin dahil kahit napaliwanag niya na ang kanyang nararamdaman, hindi pa rin ito tinantanan ng mga fan. “Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package. Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish Luke all the success is his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was sick,” ani James.

Nagulat pa nga ang mga fan sa naging pahayag ni James dahil kilala raw ito bilang hindi kumikibo sa mga isyu sa kanya pero this time ay mukhang hindi na siguro na-atim ng aktor ang mga pambabatikos sa kanya at iba pang kapwa-hurado.

I’m sure nabasa o nakita niya ang reaksyon ni JK Labajo kaya pumalag si James.

Anyway, sa kabila ng mga pamumuna kay James bilang judge, suportado pa rin ito ng ibang mga fan at ipinagtatanggol pa. Paki-usap din ng mga fan na intindihin na lang dapat ang na­ging desisyon ng mga hurado dahil hindi naman daw madaling maupo sa kanilang posisyon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy