Una sa Balita

James Reid naghihirap na, laylay ang career

0 1,066

BURADO na ang Instagram story ni James Reid tungkol sa ipinagbibili niyang house and lot. Malaking palaisipan kung bakit ito ibinebenta ng boyfriend ni Nadine Lustre.

Naghihirap na? Wala nang pambayad sa bangko kung naka-loan man ito?

Remember, nag-artista si James upang makaahon ang pamilya niya sa pagi­ging kapos sa bahay noong nasa Australia pa sila.

Sinuwerte nang maka-loveteam si Nadine. Nagkapera. Pero kumalas sa Viva Artists Agency (VAA) and decided na pama­halain ang father ng career niya.

May trabaho mang naghihintay, lumamlam naman ang career. Sa mundo ng showbiz, kailangan pa rin ng back-up ng isang major company upang ma-sustain ang bonggang status ng career.

But James chose his dad over VAA to ma­nage his career. Now, he’s beginning to suffer the consequences of his (ill-advised?) move.

Mga Korean star mas makabayan kesa sa mga Pinoy star

UMIRAL ang pagiging nationalistic ng ilang Korean stars nang sumabog ang coronavirus disease sa kanilang bansa.

Nanguna ang lead actress ng Korean series na Crash Landing on You na si Son Ye-jin sa pag-donate ng 100 million won (roughly P4.1 million) para sa Daegu City residents. Tagaroon ang Korean actress na epicenter ng outbreak ayon sa reports. 100 million won each din ang donasyon ng director ng movie na Pa­rasite, si Bong Joon at actor na si Song Kang.

Nagbigay rin ng kaparehong ha­laga ang Itaewon Class lead actor na si Park Seo- joon.

Eh sa bansa, parang wala pang nare-report na donasyon mula sa kila­lang personalidad eh may mga Pinoy na biktima rin ng virus, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More