Una sa Balita

James Reid kinilig kay Daniel Padilla

0 514

abante-i-know-better-jun-nardoMagkasangga sina Daniel Padilla at James Reid sa paggawa ng TV commercial ng softdrinks na kanilang ini-endorse. On location pa ang shoot ng dalawa at sa video na nilabas ni James sa Twitter, sinabi niyang…

“So thrilled to finally be able to work with Daniel on a project this big and action-packed!”

Sa interview kay Daniel, saad niya sa pagsasama nila ni James, “Sobrang cool! Masaya.”

Ang coolest part daw ng shoot, “The drif-ting, driving the cars, definitely is the coolest part of the shoot,” sabi ni James.

Doble hataw ang gamit na hashtag sa TV shoot nina Daniel at James. At nakakakilig ngang tingnan ang dalawang idolo na magkasama sa isang screen, ha! Pero, mas mukhang super kilig si James kay Daniel, I mean, na nakasama niya ang Teen King.

Sharon humagulgol, nilayasan ni Frankie

Goodbye Pilipinas si Frankie Pangilinan, pa-nganay nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta after ng graduation niya sa high school.

Lilipad patungong New York City si Frankie at titira sa isang dorm doon para mag-aral sa kanyang dream school na hindi binanggit ni Shawie sa kanyang Instagram.

“Magaling naman ang UP, Ateneo at LaSalle anak…Huhuhu! Stay na lang kaya? Kundi ako titira diyan!” bahagi ng caption ni Sharon.

Suwerte ni Frankie sa pagkakaroon ng magulang na handang tustusan ang pag-aaral niya sa ibang bansa kahit malayo sa kanila.

Eh ang Ate KC (Concepcion) niya, sa Paris tumira at nag-aral kaya kahit sanay na si Shawie eh may lungkot pa ring nadarama sa pag-alis ni Frankie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy