Una sa Balita

James Reid, Daniel Matsunaga pasok sa ‘100 Most Handsome Faces’

0 850

Kung napasama sa “100 Most Beautiful Faces” ng The Independent Critic ni TC ­Candler sina Liza Soberano, Jessy Mendiola at Nadine Lustre, sa kanyang lista­han ng “100 Most Handsome ­Faces,” kasama rito sina James Reid at ­Daniel Matsunaga.

Nasa 21st spot si James samantalang si Daniel ay nasa 39th spot. Kapwa nakapasok sa listahan sina James at Daniel noong 2017 pa.

Ang dineklarang Most Handsome Man ng 2018 ay ang Aquaman star na si Jason Momoa. Ang Most Beautiful Face ng 2018 ay ang French model na si Thylane Blondeau.

Limang taon nang naglalabas ng ganitong listahan si TC Candler dahil gusto niyang ipakita ang “modern ideal of worldwide beauty with the criteria of aesthetic perfection, grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope as embodied in a beautiful face.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy