Una sa Balita

James pumiyok sa ‘live in’

By
0 4,073

Level up na ang roles nina James Reid at Nadine Lustre sa coming movie nilang Never Not Love You mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone. Total departure sa inosente at easy-going na mga karakter na nagpasikat sa kanila sa unang movie nilang Diary ng Panget at teleseryes na Till I Met You at On The Wings of Love.

Kinunan pa sa London ang karamihan ng eksena at dahil pressed for time sa shooting, nadale pa ng sakit ni Nadine.
“I got sick when we were there. ‘Yung free time ko, pinahinga ko na lang,” say ni Nadine.

Mas mature ang role nila ayon kay James.

“Viewer discretion is advised dahil sa language,” sey ni James.

Hindi pa raw buo ang kuwento nang prinisent sa kanila ni Direk Jaodane.

“Kasi nga po it’s improvisation. Kaya habang sinu-shoot namin ang eksena, binubuo namin ang istorya. So kung ano ang kukunan titingnan kung ano ang kalalabasan ng syinut namin. Doon pa lang susulat si Direk Tonette ng istorya na susunod,” sabi ni Nads.

“She wanted it to be organic,” rason ni James.

Naka-relate raw si James sa character niyang si Gio dahil gusto nitong mabuhay sa kasalukuyan.

“Just live in the moment. I am like that. Go with the flow,” dagdag ng young actor.

Base sa trailer ng mo­vie, napi-feel ng press na para silang mga batang Christopher de Leon at Vilma Santos sa ginawa nilang pelikula na Relasyon at Broken Marriage.

“Wow, thank you po. It’s an honor, of course,” tugon ni Nads.

Komo nabanggit ng dalawa na nabubuhay sila sa kasalukuyan, hiningan namin sila ng views tungkol sa teenage marriage at living in.

“Marriage is a choice. There are teenagers now that are recklessly in love and hindi po nila alam if they’re making the right choice. Parang feeling nila ‘yun ang forever nila and at the end of the day, it’s a wrong choice pala. Sometimes it works but I don’t really know how to answer that,” katwiran ni Nads.

Eh ano ang pananaw nila sa living in?

“It’s fun!” bulalas ni James.
“Honestly po as long as you’re both secured and everything’s working for both of you, it’s fine. It shouldn’t be an issue at all.
“If it’s affecting you in a bad way, then you should stop! But if you’re good to it then why not and you’re not affecting anyone, why is it bad?” katwiran ni Nadine.

Mapapanood sa March 31 Black Saturday, ang Never Not Love You mula sa Viva Films at Projet 8 Corner San Joaquin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy