Una sa Balita

James pasok sa ‘cheater’s club’ nina Gerald, King Badger

0 513

Kasabay ng mainit na buga ng usok ng bulkang Taal, mainit na tinututukan naman ngayon ng mga netizen kung ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan ng JaDine.

Hindi kasi makuntento ang mga netizen sa nakasaad sa joint statement ng JaDine sa TWBA na nagsasabing kinakailangan lang nilang mag-focus muna sa kanilang mga career pagtuunan ng pansin ang personal growth.

Kaya ayon sa mas malalim na pagmamatyag ng mga fan, pinaniniwalaan at tinitingnan ding dahilan ay ang third party, at ang pinagdidisikitahan nga ngayon ay ang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman, na siyang dahilan daw nang hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

May kumalat nga kasing video na namataan daw ang dalawa na nagmi-make-out, habang nakatalikod lang si Nadine sa kanila noong December 2019 at nangyari raw ‘yon sa Digistar PH party sa Boracay.

Umusok ng pambabatikos ngayon sa social media kay James at nagsimula na ring bumuhos ang mga meme na nagsasabing kasama na sa “cheaters club” nina Gerald Anderson at King Badger ngayon si James Reid.

Samantala, ang ibang fan ay hindi pa rin makapaniwala sa break-up ng JaDine at patuloy na binabalot ang kanilang mga sarili ng kuwestyon kung ano ang katotohanan sa hiwalayan ng dalawa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More