Una sa Balita

James ‘nahawa’ kay Kris

0 516

HABANG hindi pa sumisipa ang bagong season ng PBA ay nag-guest muna si two-time MVP James Yap ng Rain or Shine sa Eat Bulaga.

Naki-join ang se­ven-time PBA champ sa ‘Bawal ­Judgemental’ segment ng noontime show kaya naman nagkagulo sa paghihiyawan ang mga nanood nang live sa ­programa.

Dahil dito, ­trending agad sa Twitter ang ginawa ni Yap. Marami ang nagsabing nahawa na ang player sa pagpasok sa showbiz sa dati nitong partner na si Kris Aquino.

“Susko. Very Kris Aquino si James Yap. Kris is indeed a great influencer. #BawalJudgmental,” tweet ni netizen @debug_Mode_v01.

“Iniisip ko pa lang kanina kung puwede kaya si Kris Aquino mag-guest sa #BawalJudgmental, tapos biglang si James Yap ‘yung lumabas sa screen,” sey naman ni @rjayvaldez.

Kilig to the bones naman si @iam_solarMOON, “Jusko James Yap he was mainly the reason why I watch Basketball, my Elementary/HighSchool/College Crush #BawalJudgmental.” (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More