Una sa Balita

James nag-sorry kina Issa, Yassi

0 330

Nadine super love ang ‘Pressman sisters’;

Hindi pa rin natatahimik ang mga fan at patuloy pa rin silang nag-iimbestiga sa hiwalayang JaDine. Ayaw nilang maniwala sa dahilan na sinabi ng dalawa.

Nitong Miyerkoles nga ay binasag ni Yassi Pressman ang kanyang katahimikan at ipinagtanggol ang kapatid niyang si Issa Pressman, na sinabi nga niyang hindi papatulan ng kapatid niya si James.

Makikita ring magkasama sila ni Nadine Lustre, at sabi nga ni Nadz sa mensahe nito na “love you both @yassipressman & @pressmanissa” bilang patunay na in good terms nga sila.

Pero mas lalong pinatunayan ni James na okay naman sila at wala talagang third party na naganap sa kanila nang mag-reply ito sa post ni Yassi.

“Sorry you girls got dragged into this. There are some messed up people out there.”

Dahil diyan ay bahagya na natahimik ang mga fan sa pagbibintang ng “cheater” kay James at “ahas” kay Issa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More