Una sa Balita

James, Nadine mega yakapan sa show ni Kim Hyoyeon

0 542

Super bunyi na naman ang mga fan ng JaDine, dahil hayun nga at magkasama na namang nag-party party ang dalawa, o nanood ng show ng Girls’ Gene­ration member na si Kim Hyoyeon.

Nasa Pilipinas nga at nag-perform si DJ Hyo nitong February 8, 2020 sa House of Manila at magkasama ngang nanood ang dalawa.

Ang sabi, si Nadine lang talaga ang nasa list na imbitado, pero kinuha ni James ang tiket ng kapatid niyang si Lauren Reid, kaya sila ni Nadine ang magkasama.

Well, ang bongga nga ng mga fan, dahil bawat kilos ng dalawa ay nakukuhanan nila ng video at photo, ha!

May lumabas na photo sa Twitter na magkasama sina Nadine at Hyoyeon, isang Korean singer.

At heto pa ang iba’t ibang tweet ng mga fan:

“Just saw james reid and nadine lustre together hekhek.”

“UMAKBAY PA SI KOYA. Need ba sa photo with hyo ang naka-akbay kay nadine sis???”

“James Reid and Nadine Lustre taking pic with Hyoyeon.”

“The struggle because of kuya guard na humarang.”

@bunnyinscolen; “Di ko kita lahat kasi nasa right side sila ng stage tapos maliit ako (lol) pero sumasayaw sila together ehh tapos may iba pa silang mga kasama.”

At heto naman ang hirit ni I AM WHO I AM @bluffky_12 na siyang nag-tag sa akin:

“Kung bitter kayo sa mga buhay ninyo wag kayong mandamay ng iba!! Tsaka wla kayong karapatan if the 2 are still going out coz wla nman tayong alam. So if you want to support one of them then support stop shading one another coz at the end of the day its their life!!!!”

So, ano ba talaga? Hehehehe! (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More