Una sa Balita

James, Nadine halikan nang halikan

By
0 2,236

Hay grabe na ito! Tukaan kung tukaan na walang patumangga ang trailer ng pelikulang Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre.

Talbog nang kanilang mainit na eksena ang mga pa-cute at pa-sweet scenes ng ibang love team na kasabayan nila, noh!

Talagang out of the box ang roles ng magdyowa, kaya pala sobrang hinayang ni Direk Antoinette Jadaone na kung hindi ito natuloy o na-shelve dahil perfect ang JaDine for the role.

Kung anuman ang mga tampuhan blues na naganap before the shoot, aba naman, bawing-bawi sa mga eksena ng dalawa.

Palibhasa magdyowa sa totoong buhay, kaya bigay-todo sina James at Nadine na damang-dama ang sobrang intense ng kanilang kissing scenes. At very sincere rin ang datingan, huh!

Kung pagbabasehan ang trailer, sa ganda ng cinematography nito at very mature roles ng dalawa, marami na ang humuhula na ito ang muling magpapaangat sa kanilang movie career.

Abangan! 

Yam nasarapan sa halikan kay Paolo Ballesteros

“Masarap kasi malambot ang lips niya.” Ito ang pagsasalarawan ni Yam Concepcion regarding sa kissing scene nila ni Paolo Ballesteros sa pelikulang Amnesia Love ng Viva Films.

Na ibinalik naman ito sa kanya ni Pao saying, “Masarap din, pero nakakailang kasi ang daming­ taong nasa paligid at may kamera pa.”

Nauhaw rin daw siya pagkatapos nilang gawin ang eksenang ‘yun. Pero, wait, hindi lamang kissing scene ang makikita sa movie dahil may mga pang-aribang love scenes daw sila bilang magdyowa sa isang isla, huh!

Kaya nga, marami tuloy ang na-curious kung type ba ng Eat Bulaga host ang sexy actress dahil siya mismo ang nagrekomenda na ito ang maging leading lady niya sa movie.

But of course ang sagot niya, ay type niyang makatrabaho at maka-partner sa movie, but not in real life, noh!

May dyowa si Yam at si Pao naman remains to be single matapos makipag-break sa kapwa menchu last year.

So, walang totoong ganap sa dalawa, pero enjoy na enjoy sa isa’t isa while filming it.

Hirap ba si Paolo na magpakalalake sa movie?

“Hirap na hirap, kasi nasanay na ako na puro gay roles, ‘di ba?

“Beks pa rin ang role ko dito, pero hindi nga lang ako naka-make up ‘tapos nung magka-amnesia ako, pa-mhin ako.

“Lalake ang role ko, pero may mga tikwas pa rin kahit paano,” sey niya.