Una sa Balita

James, Nadine halikan #1 pulutan sa Twitter

By
0 3,063

Trending topic ngayon ang picture nina James Reid at Nadine Lustre kung saan ay naglalap­lapan sila in public na ang drama ay tipong wala silang pakialam sa mundo.

Mukhang may kinalaman ito sa lyrics ng song ni James na kung babasahin ay merong ganu’ng tema.

Sabi nga ng ibang netizen ay ano naman kung maghalikan sila, considering na officially ay mag­dyowa naman sila.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman first time na lumabas ang ganitong picture ng JaDine kaya para sa iba nothing’s really special sa pic na yun.

Pero, grabe talaga ang display of public affection ang dalawa na kinaiinggitan siyempre ng ibang lovebirds.

Kahit naman daw ganu’n ang dalawa ay hindi naman nila pinababayaan ang kanilang career although may mga naging eksena rin in the past na ang feelin­g ng lahat ay inuuna ang lovelife kasya sa career.

Anyway, enjoy naman ang lahat sa nakita nilang laplapan ng da­­lawa dahil mas lalong exciting ang aabangan nila sa susu­nod na post ng kanilang idolo­. (Glenn ­Regondola)