Una sa Balita

James-Michela ‘di pa hiwalay

0 568

Magkasama sina James Yap at Michela Cazzola nong Valentine’s Day. Kaloka nga ang picture sa Instagram ni James, dahil nakaupo sa kandungan niya si Michela, ha!

“Happy Valentine’s Day everyone!” caption ni James sa IG photo nila ni Michela.

Sa Instagram naman ni Michela ay makikita ang video na pinakakain niya ang dalawang anak, habang nasa tabi lang si James. Pero, kaaliw lang dahil siya ang sinusubuan ng mga bata, ha!

“Celebriamo San Va­lentino dando da mangiare alla mamma,” ang caption ni Michela na ang ibig sabihin ay ‘We celebrate Valentine’s Day feeding mom.’
Anyway, sa Instagram story naman ni Michela ay makikita na nasa park sila at naglalaro kasama ang dalawang anak. Panay nga ang habol ni Michela sa dalawang bata.

At sa isa pang IG video naman niya, makikita na kumakain si James ng lasagna, na niluto ni ‘manang’ pero recipe raw ‘yon ni Michela. Panay nga ang video ni Michela kay James habang kumakain.

Birthday nga ni James kahapon, Feb. 15, at mukhang ‘yon na ang simpleng selebrasyon niya. Na ang importante naman ay kasama niya ang kanyang pamilya.

Kaya ang mga fan, tuwang-tuwa na nakita nilang magkasama ang mga idolo nila. Malayo nga raw ito sa tsismis na hiwalay na ang dalawa.

Nabalita nga kasi kamakailan na naghiwalay ang dalawa. Pero, ‘yon na nga, magkasama pa rin ang dalawa, at mukhang masaya naman sila.

Heto nga ang reaksiyon ng mga fan nila:

4443maria; “Since before I never see James to take care his kids… he’s lucky to have a wife very caring and loving her kids…”

Angelbellhermano; “Very sweet, caring and loving children. You’re lucky and blessed to have them in your life. Happy Valentine’s Day to your family.”
Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More