Una sa Balita

James may ia-announce sa Peb. 9

Kasal na ba ‘yan kay Nadine?

By
0 2,123

Nabawasan ang depression ni Nadine Lustre dahil sa moral at emotional support na ibinibigay ng kanyang boyfriend na si James Reid.

Kilalang-kilala ni James si Nadine kaya alam niya kapag nagpapanggap na emotionally strong ang kanyang girlfriend.

“I could tell sometimes especially because she’s a public icon. She’s trying to be strong and hold back her emotions and say, ‘I’m okey.’

“I can tell she wasn’t. She’s really trying not to feel it but I was telling her it’s okey to be sad and that really helps if you just let it out because for so long, she’s trying to be strong for everyone else,” ang sabi ni James tungkol sa ugali ni Nadine.

“I don’t wanna spoil it,” ang sagot ni James nang tanungin tungkol sa possible revelation (planong kasal?) na gagawin niya sa Revolution dahil sa huling concert nila ni Nadine sa Smart Araneta Coliseum, ang JaDine In Love noong February 20, 2016, biglang inamin ng singer-actor na February 11, 2016 nang maging opisyal ang kanilang relasyon.

Pagkatapos ng Revolution concert nila sa February 9 sa Big Dome, plano nina James at Nadine na magkaroon ng out-of-town or out-of-the country trip para i-cele­brate ang Valentine’s Day at ang kanilang se­cond anniversary bilang boyfriend-girlfriend.