Una sa Balita

James mas bet si Sarah kesa kay Nadine na partner sa movie

By
0 2,907

Rumi-retro ang dating ni Sarah Geronimo sa suot na damit at hairstyle sa isang video sa shooting ng ginagawa niyang pelikula ngayon ang Miss Granny (20 Again) na lumabas sa Twitter account ng Viva Artists.

Sa eksenang ‘yon habang umiindak si SG, nag-pan ang kamera at pinakita si James Reid na tumutugtog ng gitara.

Nitong nakaraang mga araw, sumabog ang balitang na-pack up ang shooting ng movie ni James kasama ang reel and real partner na si Nadine Lustre. Naglabas ng sama ng loo bang director nitong si Antoinette Jadaone na unti-unti ay nawawalan umano ng ganang gawin ang pelikula.

May lumutang na balitang si James daw ang dahilan sa pack-up ng shooting dahil sa umano ay hangover dahil sa paggimik the night before the shoot. Wala pang kumpirmasyon tungkol sa bintang na ito sa young actor.

Baka mas malapit sa puso ni James ang role sa movie nila ni Sarah dahil musikero ang role niya. Gaya ng pinahayag niya sa presscon ng Revolution concert nila ni Nadine ngayong Pebrero, ang pagkanta ang una niyang pangarap kesa umarte.

Nasalang siya sa pag-arte dahil na rin sa unang payo ni Boss Vic del Rosario na maging matinee idol muna bago maging singer, huh!

Heart umeksena sa Thailand

Lumipad patungong Thailand si Heart Evangelista nang matapos ang GMA series niyang My Korean Jagiya last Friday. Trabaho ang rason ng Kapuso Sweetheart sa biyahe niyang ‘yon pero sinikreto pa muna niya ang detalye tungkol dito.

“Grateful to be part of a new family. Moments before the first take….” caption ni Heart sa IG pics niya.

Kasama niya sa Thailand ang fashion stylist na si Katrina Cruz kung saan may picture sila together at nagpasalamat ang aktres sa pagsama niya sa project niyang ‘yon.

“Thanks for letting me steal you from your hubby on your anniversary! Glad to be working with you on this special project. Love you @amkatrinacruz.”

Feeling ng followers ni Heart, ‘yung trabaho sa Thailand ang sinabi niyang ‘small project’ na gagawin niya after MKJ bago siya magpabuntis kay Sen. Chiz Escudero.