Una sa Balita

James ‘love’ pa rin ang tawag kay Nadine

0 619

May mga nalilito pa rin sa kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ng JaDine. For the first time after the “break up” issue, nagbahagi si James Reid ng litrato kasama ang kanyang partner na si Nadine Lustre sa Mt. Ulap, Ampucao, Itogon, Benguet.

Hindi naman matukoy ng mga netizen kung ano nga ba ang pinupunto sa caption ni James kalakip ang litrato nilang dalawa ni Nadine sa Mt. Ulap, na may kasunod pang litrato kasama naman ang dalawa pa niyang lalaking kaibigan.

“I’ve come to understand that what we’re looking for is found in the absence of searching. And the answer found in the absence of questions. If you know what I mean, it’s time to tune in. If you don’t… then aren’t you lucky. So this is me, tuning in,” saad sa caption ni James.

Agad nilimitahan ni James ang maaaring mag-comment sa litratong iyon, siguro ay para maiwasan ang maraming kuwestyon at kuda mula sa mga netizen.

Anyway, palagay naman ng mga fan ay may connect din ang recent post na iyon ni James sa nakaraang post ni Nadine kung saan may caption siyang “no questions. just go with it.”

Hindi mawari ng karamihan kung ano nga ba ang ibig ipahiwatig ng dalawa, kung may pinagdadaanan ba sila sa relasyon o lyrics lang ng kanta ang kanilang mga caption.

Pero kung lyrics naman ‘yon ay maaaring nakaka-relate ang sitwasyon ng kanilang relasyon kaya nila ginamit ‘yon bilang caption? Pero nag-post nga si James, so ibig sabihin kaya niyan ay okay naman talaga sila ni Nadine? (Athena Yap)

***

Meanwhile, sa tweet naman ni @jeannelyy, marami nga ang kinilig, dahil kalakip pa noon ang photo nila ng mga kaibigan niya, at kasama nga sina Nadine at James.

“Okay last…

“Before mag-pic we asked permission to James if we can have a photo w/him & he said ‘is it okay we take a group photo?’ I guess they’re in a hurry & my colleague asked James if puwede include si Nadine sa photo. So James called Nadine by saying ‘LOVE’.”

Anyway, parang twinning nga sina James at Nadine dahil pareho ng kulay ang mga suot nilang pants, at jacket and shirts, ha! At mga flight stewardess nga ang mga nakasama nila.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More