Una sa Balita

James kumayod, Cavs umeskapo

By
0 914

Absent ang limang teammates pati si coach Tyronn Lue, kayod-kalabaw si LeBron James sa kinamadang 35 points at 17 assists – huli nang su­buan si Kevin Love para sa 3-pointer na nagbigay sa Cleveland ng 132-129 panalo kontra Toronto, Miyerkoles ng gabi.

“I’ve never seen anything like it,” ani associate coach Larry Drew sa performance ni James na nagbaba pa ng se­ven rebounds at walang turnover sa loob ng 40 minutes.

Tatlong free throws ang ibinaon ni James sa final 7.8 seconds, pero sablay sa isa, 3.9 ticks pa kaya nabigyan ng huling tira ang Raptors.

Abante Hiring – IT dep

Maganda ang sipat ni DeMar DeRozan sa labas ng arc pero sumablay sa harap ni James sabay sa final buzzer.

Leaders sa Eastern Conference ang Raptors, pero ayaw aminin ni James na may mensahe siyang gustong iparating sa kalaban na makakatagpo nila sa playoffs. Noong Enero ay tinambakan ng 34 points ng Toronto ang Cleveland.

Sa ikalawang laro matapos lumiban ng 21 dahil sa nabaling braso, tumapos si Love ng 23 points at 12 rebounds, may 22 si George Hill sa Cavaliers.

“They’re still a top team in our conference – and in this league,” patungkol ni DeRozan sa Cavs.

May 24 si Kyle Lowry sa Toronto, nagdagdag ng 21 si DeRozan para sa Raptors na umiskor ng 79 points sa first half.

Abante sa manipis na 125-124 ang Cleveland, sumagasa sa lane si James bago binatuhan si Love na naghihintay sa sulok. Isinalpak ni Love ang kanyang 1,000th career 3.