Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James inalmahan ang ‘beki’ isyu

0 157

Inalmahan ni James Reid ang hinala ng iba na kesyo bumigay na siya, na may dyowa na siyang boylet. Nakakaloka, di ba?

Nangyari nga sa birthday party ni James ang eksena, na matapos magpasalamat, nag-blow ng cake, ay walang kamali-malisya na humalik sa isang kaibigang lalake. Pero, nag-iba nga ang dating ng kiss na `yon, dahil niliagyan ng malisya ng mga marites.

Sabi nila, dyowa raw ni James `yon, kahit alam na alam naman ng lahat kung gaano kakisig ang aktor/singer, ha!

At isang post nga ng video na `yon na may paghalik nga siya sa isang kaibigang lalake, na ginantihan din siya ng halik, hindi napigilan ni James ang mag-react.

“Is true?” tanong ni James, na taking-taka siguro kung bakit kailangan siyang gawan ng tsismis sa kapwa lalaka, na dahil lang sa paghalik, na normal naman na sa maraming boylet sa panahon ngayon.

Anyway, kaaliw lang ang mga boylet ngayon, na talagang sila na ang nakikiusap na, ‘kiss me, James’ hahaha!

Chie, Sue binantaan mga marites sa malisyong tsismis

Buwisit na buwisit din sina Zeus Collins, Chie Filomeno, sa tsismis na may ginawa silang milagro sa loob ng isang sasakyan, sa parking lot ng ABS-CBN.

Grabe nga ang malisya ng kuwento, na kesyo hindi nakapagpigil ang dalawa, kaya sa loob mismo ng sasakyan ay gumawa na sila ng milagro.

“Fake news. Grabe ang tagal na niyang chismis na ‘yan. Baka naman si Zeus Maryosep ‘yang napanood niyo!

“Ingat-ingat lang kayo baka ma-hack ‘yang account niyo dahil diyan. At respeto naman kahit konti lang. Ang dami nadadamay.

“Masaya ako ngayon at ‘wag niyo nang guluhin pa. Mahal kita @mykapaulinee!” sabi ni Zeus.

Ganun din naman si Chie, na imbyerna sa malisyosong tsismis sa kanila ni Zeus.

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinagpo-post niyo sa FB. Kung mag-uungkat kayo, siguraduhin niyong totoo. Wag paulit-ulit at ‘wag kayong mangdamay ng ibang tao. Issue yarn?” sabi ni Chie.

Well, dapat lang sigurong pagbantaan ng dalawa ang mga gumagawa ng mga malisyosong tsismis sa kanila, lalo na at may mga nasasagasaang mga tao na nananahimik, ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.