Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James hinamong ilantad ‘relasyon’ kay Michelle Naldo

0 1,839

Dahil lantaran na nga ang relasyon ni Nadine Lustre sa isang non-showbiz guy, si James Reid naman ang hinahamon ng mga fan na lumantad.

Mababasa nga ang mga komento sa Instagram na hinahamon ng mga fan si James na ilantad na ang ‘relasyon’ nila Michelle Naldo. Kaloka, di ba? Relasyon agad-agad, di ba?

Pero, sino si Michelle Naldo? Base sa kanyang bio-data, siya ay Operations Manager ng Careless Music. Ang Careless Music ay negosyo ni James Reid.

“Always just been curious about life,” ang chika niya sa kanyang Instagram.

At yes, pina-follow siya ni James, dahil nagtatrabaho nga siya sa Careless Music.

Pero, si Michelle ba talaga ang bagong babae sa buhay ni James? Siya na ba ang pinalit ni James kay Nadine?

Kung titingnan mo ang photo ni Michelle, morena rin ito, at seksi rin talaga, ha! Mahusay ring mag-emote sa harap ng kamera.

May mga chika rin na kesyo nakita raw si James na nagpunta ng Cavite at sinama pa si Michelle, para ipakilala naman sa lola niya roon?

Kaloka!

Eh, sa panahon ngayon, ang hirap kasing mag-interview, lalo na at hindi naman masyadong sumasagot ang mga artista.

Anyway, abang-abang na lang lahat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.