Una sa Balita

James, Davis titimon sa Lakers

0 362

SINA four-time MVP LeBron James at Anthony Davis ang magmamando sa opensa at depensa ng Los Angeles Lakers, kanya-kanyang papel ang ibang kakampi para sumakto sa galaw ng team.

Si Danny Green ang specialist sa tree at defense. Si JaVale McGee ang mangungulit sa ilalim. Kapag tinawag ang numero, walang gagawin si Dwight Howard kundi linisin ang boards at mambarako sa paint.

Si Kentavious Caldwell-Pope, inaasahang handa anumang oras na bumitaw sa labas ng arc kapag nag-collapse ang depensa kina James at Davis malapit sa basket.

Sa huling buwan ng nakaraang regular season, nag-average si Caldwell-Pope ng 21.4 points, 37.6 percent sa 3-point range. Siya ang leading scorer ng Lakers mula March hanggang April nang tapusin ang stretch sa 6-6.

Kayang umiskor ni KCP ng 20-plus points bawat gabi. Dahil ‘di naman sa kanya tututok ang atensiyon ng depensa, baka mas umangas pa sa scoring.

Iniulat ni Marc Stein ng New York Times na nitong offseason, kasama ng iba pang mga NBA player ay sumali si Caldwell-Pope sa matinding training sessions sa Mamba Sports Academy ni Kobe Bryant.

Anuman ang natutunan niya roon, tiyak na dadalhin ni KCP sa susunod na season.

“I felt like I had a lot to prove, and show what I can do,” ani Caldwell-Pope sa desisyong bumalik sa LA, ayon kay Lakers reporter Mike Trudell. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy