Una sa Balita

James Bond naduwag sa COVID-19

0 378

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit na COVID 19 (novel coronavirus) sa halos buong mundo, kaya naman napilitan ang production team ng movie ni James Bond na “No Time To Die” na pansamantalang iurong ang publicity tour nila sa China.

Apektado ang film industry sa Beijing, China kung saan napaulat ang pagsasara ng nasa 70,000 na sinehan dahil sa pangamba na magkahawaan ng sakit na COVID-19.

Isa ang China sa pinakanakakapagbigay ng malaking kita sa mga pelikula dahil sa dami ng sinehan dito at dami ring mga nano­nood, kaya la­king pang­hihinayang din ng karamihan na hindi mapapalabas sa China ang pelikula ni Bond.

Sa katunayan, marami pa talagang mga kaganapan sa iba’t ibang bansa ang naapek­tuhan talaga dahil sa takot na lalong kumalat ang nasabing virus. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More