Una sa Balita

James binulabog, 2-0 pinasabog ni Curry, GSW

By
0 2,111

BIG shot taker, big shot maker. Tough shot ta­ker, tough shot maker.

Ganyan inilarawan ni Draymond Green si Stephen Curry. Walang labis, walang kulang.

At parang hindi puwedeng magmintis si Curry, sinapawan sa duwelo si LeBron James nang magpalitan ng big shots.

Sa huli, mas ma­angas si Curry, nagbaon ng NBA Finals-record nine 3-pointers tungo sa 33 points para bitbitin ang Golden State Warriors sa 122-103 panalo kontra Cleveland Cavaliers, Linggo ng gabi.

Abante na ang Warriors sa series, 2-0, Game 3 sa Miyerkoles ng gabi sa Cleveland.

Steady-pulso rin si Kevin Durant na may 26 points, nine rebounds at seven assists habang binubulabog si James. Nagdagdag si Klay Thompson ng 20 points kahit may iniinda sa ­kaliwang paa.

Sinundan ni LeBron ang 51-point performance niya sa Game 1 ng 29 points, 13 assists at nine rebounds. May 22 points at 10 boards si Kevin Love.

May 7:54 pa sa laro, paubos na ang shot clock nang ibaon ni Curry ang off-balance shot halos dalawang hakbang ang layo sa labas ng 3-point arc at sa harap ni Love. Bagsak si Curry sa first row ng fans matapos pakawalan ang isa pang 3 sa harap muli ni Love na nagresulta sa four-point play sa 5:44 mark.

Paulit-ulit na nire-replay ni Thompson sa isipan ang play na ‘yun.

“About seven se­conds on the clock he just kept going backward. I don’t know why, but he just threw it up and I didn’t think it had any chance of going in,” ani Thompson.

Sa kabuuan, 11-of-26 mula sa field si ­Curry, 9-for-17 sa 3s.

Tinuro pa ni James ang scoreboard nang ipasok niya ang 3 para ilapit ang Cavaliers sa pito, pero dalawang sunod na long range bombs din ang isinagot ni Curry.

“Those moments when you can come down and answer and keep the momentum on our side, it’s big,” wika ni Curry.