Una sa Balita

James binatikos sa pang-iisnab sa Myx Music Awards

By
0 2,134

Hindi inisnab ni James Reid ang Myx Music Awards kung saan siya nga ang tinaguriang hakot awardee dahil sa mga major award na kanyang inuwi na kung saan ay hindi niya napuntahan.

May mga bumatikos sa kanyang hindi pagdalo, pero agad namang nagpaliwanag ang singer-actor. Sabi nga niya, kailangan niyang magpahinga para sa kanyang upcoming concerts.

Para sa ibang mga singer, katuparan ito ng kanilang mga pangarap na makatanggap ng award sa kanyang field of interest. Kaya, para hindi matanggap personally ay malaking panghihinayang talaga ito sa kanyang buhay bilang isang mang-aawit.

Anyway, kung anuman ang totoong dahilan ng kanyang hindi pagdalo, tanging siya lamang ang nakaalam at maging si Nadine Lustre of course.

Kasi, para sa ibang netizens ay ayaw nilang kagatin ang dahilan na nagpapahinga para sa mga upcoming concerts. Luh? Isang gabi lang ‘yun para sa mga kapwa niya nominees, devah?

Ang pagiging singer ay mas nasa puso ni James kaysa pagiging artista.

Ito ang lagi niyang sinasabi. Kaya, sayang lang talaga na hindi niya natanggap personally ‘yung mga award na ‘yun.
Sabi sa isang cliché, “Kapag gusto may paraan… Kung ayaw may dahilan…”