Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

James, Anthony kampi kay Love

0 153

MISTAKE na inimbitahan pa si Kevin Love noon para sumama sa Team USA.

Bago dumayo ng 2020+1 Tokyo Games, umatras si Love dahil sa calf injury.

“I wasn’t even sure he had much left to play,” ani dating Team USA managing director Jerry Colangelo. “He reached out to us and said he was in shape and said he felt he owed us. … Well, it didn’t work out. He wasn’t in shape. And he was way behind as it turned out.”

Sagot ng big man ng Cleveland?

“I’m sitting up her and being the nice guy right now, but, honestly, f*** that,” ani Love Sabado sa The Shop ng HBO, bago dinagdag, “F*** him.”

Ginawa aniya siyang sangkalan ni Colangelo para may mapagbibintangan sakaling mangamote ang Team USA sa Olympics.

Napagtatalo sa build up matches ang Americans pati sa unang match sa Tokyo pero bumawi at ikinuwintas pa rin ang gold.

Tinawagan nina Team USA veterans Carmelo Anthony at LeBron James si Love para sabihing mali rin si Colangelo na nawala na sa puwesto at pinalitan ni Grant Hill. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.