Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jalen matunog sa Rookie award

0 34

HINDI pa man nagsisimula ang 2021-2022 season ng NBA, matunog na para sa Rookie of the Year award si Houston Rockets newbie Jalen Green.

Tinimbang ng ilang mga NBA expert mula sa ESPN na masusungkit ng 2021 NBA Draft second overall pick ang Rookie award matapos itong mabigyan ng 75 points o 72.2% first-place votes.

Sumunod kay Green si first overall pick Cade Cunningham ng Detroit Pistons na nakakuha ng 58 points habang pumangatlo si Jalen Suggs ng Orlando Magic na nakatanggap ng 17 votes.

Magugunita na bago ma-draft sa liga, nagpakitang-gilas muna si Green kasama ang Ignite sa NBA G League kung saan ito pumoste ng average na 17.9 points, 4.1 rebounds at 2.8 assists per game.

Sa nagdaang Summer League, ipinamalas ng Filipino-American guard ang kanyang bagsik nang pangunahan nito ang Rockets sa ilang mga panalo.

Hindi naman natapos ng 6-foot-6 cager ang Summer League makaraang magtamo ito ng hamstring injury.

Unang makakalaban nina Green at ng Rockets sa regular season sa Oktubre 21 ang Minnesota Timberwolves. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.