Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jalalon, pamilya masaya Christmas

0 186

MASAYANG magkapiling sa nagdaang Pasko sina PBA playmaker Jio Jalalon at kanyang pamilya.

Isang family photo kasama ang kanyang misis na si Kristina at kanilang mga anak ang ibinahagi ng Magnolia point guard sa kanyang Instagram at bumati ng “Merry Christmas Everyone!”

Magugunita noong Abril, nabalot ng kontrobersiya si Jalalon matapos ibuking ng kanyang misis ang pambababae ng basketbolista.

Samantala, patuloy naman ang pagpapasiklab ni Jalalon para sa Magnolia sa kasalukuyang 2021 PBA Governors Cup.

Pumoposte si Jalalon ngayong conference ng 11.33 points, 7.33 assists at 4.67 rebounds. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.