Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jalalon babaero, abusado – misis

0 422

INAKUSAHAN ng matinding pananakit, pang-aabuso at pangangalunya ng kanyang asawa ang dating miyembro ng Gilas Pilipinas at kasalukuyang point guard ng Magnolia Hotshots na si Jio Jalalon.

Inihayag mismo sa kanyang Instagram account na @tinaaaaaapay ni Kristina Jalalon, asawa ng dating manlalaro mula sa Arellano University na si Jio, Biyernes ng gabi ang matinding akusasyon sa asawa nito sa pang-aabuso habang ilang beses din nito nahuli ang pangangaliwa ng Hotshots player.

Hindi napigilian si Kristina, na may dalawang anak kay Jalalon, na ipost sa kanyang personal Instagram at Facebook page ang mga nakita nitong usapan at thread na binubuo ng iba’t ibang magkakahalong pag-uusap pati na rin mga screenshots na nagpapakita sa kanilang kasalukuyang relasyon.

“Napaka-sweet naman pala sa ibang babae @jiojalalon6, pero sa sariling asawa puro pagkukulang. Nakakapagod manahimik, traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo,” sabi nito sa una nitong post.

Nasundan ang post sa pagsisiwalat ni Kristina na nakakalasap na ito ng pang-aabuso mula sa kanyang asawa sa nakalipas na dalawang taon.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2013 at nagpakasal Agosto 2019.

“O teka lang di pa ko pinagbubuhatan ng kamay muntik pa lang batok batok lang duro duro sa noo tsaka hampas ng unan at halos hawiin ako na parang papel sa laki ng idol niyo hahahah,” kuwento nito.

“Napakakasakit kala niyo lagi na lang ako nagmamakaawa na wag ako lokohin kasi kawawa mga anak namin ang liliit pa…’Pag nahuli mo ikaw pa magmamalakihan. Grabe ‘yung trauma ko para na ‘kong mababaliw, napakahirap,” sabi pa ni Kristina.

Huling inilabas ni Kristina ang ilang screenshots ng pakikipag-chat ni Jalalon sa ibang babae habang binalaan din ang iba pa na pag-uugali ng Hotshots guard.

Pinilit na makuha ang panig ng 5-foot-9 guard na mula sa Cagayan de Oro subalit wala pa itong tugon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.