Una sa Balita

Jake Zyrus ‘wanted’ sa lola na nasa ICU

Ngayon ka kailangan — Raquel Pempengco

By
0 609

Sa gitna ng kanilang alitang mag-ina, nakikiusap si Raquel Pempengco sa kanyang anak na si Jake Zyrus (formerly Charice Pempengco) na bisitahin nito ang kanyang lola na nasa Intensive Care Unit ngayon sa isang ospital.

Pinost ni Raquel sa social media noong nakaraang September 18 ang kalagayan ng kanyang ina na nasa ICU.

“Please pray for her… She’s in the ICU right now… (napatiran ng ugat sa ulo),” post pa ni Raquel.

Inamin ni Raquel na hindi sila nagkakasundo ng kanyang ina, pero kailangan niyang tulungan ito. Nabanggit din ni Raquel na paboritong apo ng kanyang ina si Jake kaya nakikiusap siya rito na sana ay magawa nitong bisitahin ang lola nito.

“Masama man akong anak sa tingin nya wala akong magagawa Nanay ko pa rin xa… Sana magparamdam ang paborito nyang apo, ngayon xa kaila­ngan nito… #PRAYFORHER,” post ni Raquel.

Nag-ugat ang alitan ng mag-inang Raquel at Jake dahil sa maling kuwento raw ni Jake sa kanyang life story na pinalabas sa Magpakailanman.

Lalong tumindi ang alitan nila ng mag-decide si Jake na palitan ang kanyang pangalan at dumaan sa proseso na maging isang tunay na lalake­ na.