Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jake walang utang na loob sa ABS-CBN

0 574

Natutuwa si Jake Cuenca na nakakagawa siya ngayon ng show labas sa pagiging Kapamilya. Muli nga kasing nagkasama sina Jake at Kris Bernal sa isang serye.

Dedma lang si Jake sa mga basher na kinukuwestiyon ang loyalty niya, na sinasabihan siyang walang utang na loob sa ABS-CBN.

Katuwiran niya, napakaganda na nagkakaroon sila ngayon ng window para magkaroon ng chance na makatrabaho nila ang mga taga-ibang network. Kaya raw nang i-offer sa kanya ang serye, bukod sa nagustuhan niya, tinanggap niya agad at kasama pa niya si Kris na nakasama na rin niya sa movie last year.

At nilinaw rin ni Jake na wala namang nabago, ang management niya ay ang ABS-CBN Star Magic pa rin at hindi siya umaalis dito.

Toni ginisa ang jowa ni Alex

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala pa rin inaanunsiyong date si Alex Gonzaga kung kailan ang wedding nila ni Mikee Morada, pero base sa mga post, vlogs nila, obvious na malapit na malapit na ito.

Seryoso naman si Toni Gonzaga nang tila i-roast ang future brother-in-law niya nang i-feature nito sa kanyang YouTube vlog.

Matagal na niyang kakilala ang mapapangasawa ng kapatid, pero hindi pa raw sila nagkakausap talaga ng mas malalim o mas masinsinan. Kaya tinanong niya ito mula sa childhood hanggang sa paano nakilala ang kapatid, ano ang nagustuhan at paano nasabing ito na ang gusto niyang pakasalan.

Kinuwento rin ni Toni na noong nanliligaw pa lang daw si Mikee kay Alex, tinanong daw siya nito kung ano ang dapat gawin para mai-keep niya ang isang guy o ang relationship.

Feeling daw kasi ni Alex, baka dahil sa personality niya, nasu-shoo-away niya ang guy instead na mag-last o mag-stick so kanya.

Ang pinayo ni Toni sa nag-iisang kapatid, “Don’t Be Yourself.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.