Una sa Balita

Jake tinalakan ng mga fan nina Daniel, Kathryn

Nagpatutsada sa KathNiel movie

By
0 352

Agad namang humingi ng paumanhin si Jake Cuenca matapos siyang ma-bash dahil sa komento niya tungkol sa pelikulang “Goyo” at mga romantic ­comedy film. Sa tweet niya noong isang araw, ikinumpara nga niya ang pelikulang “Goyo” na para sa kanya ay isang kayamanan ng ating lahi kaysa naman daw sa romcom films nga.

Dahil sa buong akala ng maraming netizen na ang pina­tatamaan niya ay ang patu­loy pa ring pinipila­hang “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, binomba siya ng kung ano-anong negatibong komento.

Dahil dito, agad niyang dinelete ang tweet niyang ‘yun at humingi na rin siya ng paumanhin na hindi niya pinatatamaan ang gumawa ng pelikulang “The Hows of Us” kundi ‘yun ay isang pangkalahatang komento para sa mga kaparehong genre.

Inungkat nga ng mga KathNiel fan ang mga ginagawa rin daw niyang roles sa movie na madalas ay nakahubad naman daw siya at walang ginawa kundi ang magpakita ng katawan.

Pati ‘yung old issue sa sinabi niya noong pare-parehong cover ng KathNiel ay naungkat din na baka nga raw kung siya ang nasa cover ay walang bumili.

Kalokah, devah? Kasi naman….charrrr!