Una sa Balita

Jake super takam sa kaseksihan ni Kylie

0 1,083

Nagkakandarapa ngayon ang kalalakihan sa Instagram post ni Kylie Verzosa na sa unang tingin ay parang walang saplot.

Una na ngang nag-comment ang co-actor niya sa Los Bastardos na si Jake Cuenca. Inasar pa ng ilang fan si Jake na buhay na buhay ang pagka-lalaki nito sa bikini picture ni Kylie. “Hoy ohh tigas si Jun Jun ah!” sabi ng isang fan kay Jake.

Hinala naman ng ilang nga fan na posible ngang may namamagitan ngayon kina Jake at Kylie since magka-trabaho sila sa isang teleserye.

Hirit naman ng ilang kalalakihan na naiinggit sila sa mga lalaking kapatid ni Kylie dahil nabanggit ni Kylie sa caption ng litrato na kapatid niyang lalaki ang kumuha ng litrato niya.

Kaso ang nakakaloka diyan, kahit anong ganda ni Kylie, mayroon paring umaatakeng basher! Ang sabi “Wala ka bang ibang post kundi ganyan palagi!!

Di kaila­ngan ipakita ang katawan.. kung talagang maganda ka okay na yun.. nakakasawa na istura mong palaging ganyan!!!”

Syempre pa, hindi rin mawawalan si Kylie ng fan na magtatanggol sa kaniya at sinabing ‘wag pakialaman si Kylie dahil karapatan niya ang mag-post at may bayad ang pagiging sexy ni Kylie dahil artista ito. At kahit pa hindi raw ganon maging sikat si Kylie, karapatan pa rin nito ang i-post ang gusto niya.

Well, well, well, kaniya-kaniyang opinyon ‘yan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy