Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jake, Regine itinayo bandera ng Pinas vs int’l singer

0 384

Emotional, at maluha-luha ang Filipino-American music director to the stars na si Troy Laureta sa virtual presscon ng kanyang album, ang “KAIBIGAN: A Troy Laureta OPM Collective.”

Naantig ang puso niya sa papuri sa kanya ng mga Pinoy artist, pati na ng mga international singer, na tampok ang mga boses sa album niya, tulad nina Nicole Scherzinger, Pia Toscano, Sheléa, AILEE, Cheesa, Matt Bloyd, at nina Regine Velasquez at. Jake Zyrus.

Ang KAIBIGAN ay co-production ng ABS-CBN Music International, at layunin nito na ibida ang mga ang OPM love ballads sa buong mundo.

Ang South Korean artist na si AILEE ang nagbigay-buhay sa awitin ni Martin Nievera na “Kahit Isang Saglit,” isa sa paboritong karaoke anthem ng ama ni Troy.

“Isang malaking star si AILEE sa South Korea, at isa ako sa bilib sa kanyang talento. Naniniwala ako na siya ang nararapat mag-interpret ng kanta at mabibigyang hustisya niya ito,” sabi ni Troy.

Ang YouTube star at ‘phenomenal singer’ na si Matt Bloyd mula sa Los Angeles naman ang singer sa likod ng “Bakit Pa Ba” na unang inawit ni Jay-R mula sa komposisyon ng paboritong OPM songwriter ni Troy na si Vehnee Saturno.

Ang “The Voice (US)” season 2 quarterfinalist at nakababatang kapatid ni Troy na si Cheesa ang napiling umawit ng Jessa Zaragoza original na “Bakit Pa.” Ayon kay Troy, paborito nila ang kanta noong mga bata pa sila.

Hiniling naman ni Troy sa dating myembro ng Pussycat Dolls na si Nicole Scherzinger na maghandog ng interpretasyon sa “Pangako” na unang inawit ni Regine.

“I wanted Nicole to do this song because of its significance of a promise. Nicole and I share Filipino roots, and although we’ve been in America, like the song says, we promise to never forget, never leave, [and] always love our roots,” chika ni Troy.

Ang “Kailangan Kita” na isinulat ni Ogie Alcasid, ay ipinakanta ni Troy sa “American Idol” season 10 finalist na si Pia Toscano.

At si Jake Zyrus naman ang nagbigay-buhay sa kantang “Usahay,” na inaalay ni Troy sa kanyang lola at ina na nagmula sa Cebu.

Isinama rin ni Troy ang komposisyon ni Jonathan Manalo at unang inawit ni Angeline Quinto na “Patuloy Ang Pangarap” dahil sa mensahe ng kanta, at napili niya ang American singer, songwriter, at pianist na si Sheléa na kumanta nito.

Tinapos ni Troy ang album sa pamamagitan ng espesyal na awitin para sa kanyang lolo, ang “Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan” na kinanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Aniya, ang awiting ito ay nagpapahayag ng kayang “undying love” para sa pinanggalingan niya at para sa kultura at musikang Pinoy.

Well, kung husay sa pagkanta ang pag-uusapan, walang duda na panalo pa rin ang mga Pinoy, na puno ng puso kapag umawit.

Naalala si Derek? Andrea ‘nambugbog’ ng partner

Balik akting, balik social media nga si Andrea Torres. Unti-unti ay nagiging aktibo na ulit siya sa showbiz, at mas nabibigyan ng atensiyon ang kanyang sarili.

Hindi nga tulad noong magdyowa pa sila ni Derek Ramsay, na sa halos lahat ng lakad niya, parang parating nakadikit si Derek, o siya nakadikit kay Derek.

At least ngayon, may mga eksena siya na ang sentro ay siya mismo.

At oo, bida na ulit siya sa fresh episode ng Magpakailanman ni Mel Tiangco, bilang isang misis na nambubugbog ng asawa.

Kaloka lang na very timing ang role niya sa break up nila ni Derek, ha! At sa trailer pa lang, parang ramdam ang galit niya sa lalake, kay Juancho Trivino, na gumaganap na mister niya sa Magpakailanman Battered Husband.

Sa mga photo na pinost ni Juancho sa IG story niya, feel na feel ang galit ni Andrea sa kanya, ha!

Bakit kaya? Ano kaya ang pinaghugutan ni Andrea sa eksenang binubugbog, hinahambalos niya si Juancho?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.