Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jake pinagtawanan ng mga Kapamilya star

0 508

Kilala na ngayon si Jake Cuenca bilang isa sa mga pinakamagaling na aktor sa bansa. Pero noong kakasimula pa lang niya sa ABS-CBN at supporting roles pa lang ang nakukuha niya, madalas pala siyang inaasar na masyado siyang seryoso sa aktingan.

Kwento ni Jake sa show na “Showbiz Pa More”:

“Naalala ko medyo natawa sila sa akin. ‘Pedro Penduko’ ‘yun pero tinotodo ko ang acting ko. Sabi ko kahit anong window of opportunity kukunin ko at ibibigay ko lahat. Kahit anong liit o laking role… I would never leave anything up to chance. I have to do my best.”

Syempre 2007 pa lang iyon at kakalipat pa lang ni Jake sa ABS-CBN at kinailangan daw niyang patunayan ang sarili niya.

“Ilang years ako sa kabila na medyo maliliit lang ‘yung roles na binibigay sa akin. Tapos noong dumating ako sa ABS-CBN, itong network na sineryoso ako for the first time. So sabi ko, hindi ko talaga sila bibiguin. Papatunayan ko ang sarili ko dito.”

Isang taon lang ang lumipas at nakuha naman ni Jake ang pinakamalaking break niya nang bumida naman siya sa action-drama series na “Palos.” Nakasama rin niya ang love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa mga teleseryeng “Sana Maulit Muli,” “Tayong Dalawa,” at “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Saad ni Jake, “Looking back, ang dami naming na-accomplish magkasama. Tatlong milestone projects na nagawa namin together, ganun ka-solid ‘yung samahan namin,” pagbabahagi niya.

Nakaka-miss nga namang panoorin ang love triangle nila sa TV, pero ngayon ay may kanya-kanya pa rin silang project sa Kapamilya network. Kakatapos lang ng “A Soldier’s Heart” ni Gerald at “Love Thy Woman” ni Kim, samantalang inaabangan na ngayon ang bagong teleserye ni Jake na “Walang Hanggang Paalam.”

Siguradong matinding aktingan na naman ang ibibigay ni Jake sa atin, lalo pa’t ang mga kasama niya dito ay sina Angelica Panganiban, Arci Munoz, Paulo Avelino, at Zanjoe Marudo. Mapapanood na ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC simula Setyembre 28. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.