Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jake nagmura sa inis: Gerald napikon, nilayasan si Ivana

0 521

Nag-walk out, nanggigil sa inis, napamura sa yamot.

Ganiyan ang mga naging kaganapan sa YouTube channel ni Ivana Alawi, na kasama ang mga leading man niya sa “A Family Affair”.

Walang pakungdangang binarag nang husto ni Ivana sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake, Sam Milby sa magkakahiwalay na eksena niya habang nagti-taping sila.

Unang nabiktima ni Ivana si Gerald. Nagpalagay ng prosthetic sa kamay si Ivana para lumabas na maga ang kanyang daliri.

Kunwari ay nagreklamo, nag-inarte si Ivana na nasaktan siya sa paghawak ni Gerald sa kamay niya, na kesyo masakit ang pagkakapisil ng aktor.

Umayaw na sa shoot si Ivana at ginusto na ngang umuwi, at sinisi pa niya si Gerald. Kaloka ang pagmamaktol, reklamo ni Ivana, kasabay ang pangungunsensya niya sa aktor, na sinamahan pa ng pagkayamot.

Sumuko na si Gerald sa pag-iinarte ni Ivana at nagsabing huwag nang ituloy ang shoot. At doon na tumawa si Ivana at sumigaw na, “It’s prank!”

Lumabas agad ng sasakyan si Gerald at nag-walk out sa sobrang pagkagulat. Pagbalik kay Ivana ay nagbiro na babaliin na niya ang daliri ni Ivana para maging totoo ang prank.

Sumunod na biktima ay sina Jake at Jameson. Nag-inarte uli si Ivana, at tumawa nang tumawa sa eksena at tinuro ang dalawang kapareha na hindi siya sinusuportahan sa dramatic scene niya.

Makikitang seryoso na sa acting sina Jake at Jameson, pero laging may reklamo sa kanila si Ivana. Sinasabi pa nitong hindi talaga siya sinusuportahan ng dalawa.

Umabot ng maraming take ang eksena na kinainis na ni Jake. Nasa mukha rin ni Jameson ang gigil sa inis kay Ivana pero nagtimpi lang.

Pinatalikod na sa take sina Jake at Jameson para makapag-concentrate raw si Ivana. Sa puntong ‘yon ay nakuha ni Ivana ang gusto niya, sumulpot ang direktor at sumigaw ng ‘It’s a prank’.

Napaupo si Jake sa gulat. Pagtayo ay napamura siya na, ‘Tangna!’.

“Gusto ko na sanang sabihin ano bang problema sa mukha ko?” sabi pa ni Jake.

Nagsisigaw pa si Jake habang natatawa rin sa ginawa sa kanya ni Ivana.

“Ang dami nyong oras para sa prank, ha? Ito ba ang gusto niyo, ha? Ito ba?!” saad pa ng aktor.

Sam kinawawa ng sexy star

Ang huling biktima ay si Sam Milby, kung saan ay bed scene naman ang eksena nila ni Ivana. Kung ano-ano ang pinansin ni Ivana kay Sam habang nakahiga sa kama, na nagmukha ngang kawawa.

Pinagbihis din niya ito ng shirt, pinagtakip ng kumot, pinapikit pa, dahil nakikita raw ng aktres ang kanyang ex sa mukha ni Sam. Umiyak pa kunwari si Ivana dahil sa pagiging broken hearted daw niya.

Makikita sa reaksyon ni Sam ang pagkalito, pero kalmado lang.

Sumunod sa lahat ng request ni Ivana si Sam para lang mapanatag ang aktres at matapos ang eksena. 

Umiyak pa si Ivana para lang makumbinse si Sam na emotional siya  nang maalala ang kabiguan sa ex.

Napasigaw at nag-walk out si Sam nang marinig kay Ivana ang ‘It’s a prank’!

Habang natatawa, hindi niya akalaing gagawan siya ng kalokohan. Anyway, lahat ng mga eksena ni Ivana sa apat na kapareha ay gawa-gawa lang para sa prank sa YouTube channel ng sexy star, at kasabwat niya ang butong staff.

Leave A Reply

Your email address will not be published.