Una sa Balita

Jake nagbuyangyang ng puwet

0 305

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPagdating sa kanyang craft at dedikasyon sa acting, walang hindi puwedeng ibigay si Jake Cuenca kahit ilantad niya ang kanyang private part. Naloka ang mga nanood sa premiere night ng pelikulang “Kontradiksyon” nang magbu-yangyang ng puwet ang Kapamilya actor.

Mga unang eksena pa lang ng pelikula, nagpamalas na ng kanilang husay sa acting sina Jake at Ritz Azul na gumaganap na mag-asawa sa istorya. At sa dramatic scene na ito, nagbuyangyang ng puwet ang aktor sa isang close up shot na nagpakita nang malapitan sa biyak ng kanyang puwet.

Dahil nga highly dramatic ang eksena, tahimik lang ang manonood na nakisimpatiya sa pagdadalamhati ni Jake. Hindi mabibigo ang mga manonood sa ninanais nilang action at dramatic scenes. Hindi binitiwan ng direktor na si Njel De Mesa ang bawat eksena nang walang kabagot-bagot na moment.

Lumaban naman sa aktingan sina Ritz, Kris Bernal, Arnold Reyes, Paolo Paraiso, Jong Cuenco at iba pa.

Mga reporter inilayo kay Digong sa movie premiere

Samantala, ilan sa mga dumalo sa premiere night ay ang dalawang “Los Bastardos” co-actor ni Jake na sina Joseph Marco at Joshua Colet. Nakita ko rin sina Jimmy Bondoc at MTRCB Chairman Rachel Arenas.

Nagkalat ang mara-ming PNP at security officers sa buong Megamall at n­aghigpit sa mga entrance ng mall sa pagdating ni President Rodrigo Duterte.

Hindi nagawang kunan ng media ang pagdating ng Presidente dahil pina-clear ang buong hallway ng cinema. Nasa Cinema 1 ang lahat ng cast at bisita pati na ang iba pang mga panauhing pandangal, samantalang nasa kabilang cinema naman ang media at bloggers pati na ang ibang mga guest.

Joshua wanted kay bDennis Padilla

Bukas (Thursday) ay mag-uusap sina Dennis Padilla at Julia Barretto. Sa panayam namin kay Dennis sa premiere night ng “Kontradiksyon”, hindi makapagbigay ng komento ang komedyante kaugnay sa napapabali-tang hiwalayan na ng anak na si Julia kay J­oshua Garcia.

Ayon kay Dennis, hindi pa sila nakakapag-usap ni Julia tungkol sa isyu na ito. Malalaman pa lang niya ang estado ng love life ng anak sa masinsinan nilang pag-uusap.

Nangingiti lang si Dennis sa mga batikos kay Julia tungkol sa balitang closeness nito umano kay Gerald Anderson na siyang dahilan daw ng break-up. Sina Julia at Gerald ay nagsama sa pelikula na siyang pinag-ugatan ng isyu. Pero siyempre, gaya ng napagkasunduan noon, kakausapin din ni Dennis si Joshua, ‘di ba?

Kampante si D­ennis na naha-handle ni Julia ang mga basher at bagong controversy na ito sa kanyang karera at personal life.

Mariel gusto nang manganak

Magli-limang buwan na ang tiyan ni Mariel Padilla. Sa caption ng photo na pinost niya ay nagpasa-lamat siya sa isang brand na nagbigay sa kanya ng maternity dress.

Ibinalita ni Mariel sa caption ang pagkakaroon niya ng online blog habang nasa estado siya ng kanyang pagbubuntis.

Sabi pa ni Mariel, alam na niya kung ano ang gender ng kanyang magiging bunso.

Ang ibang mga follower ni Mariel sa social media ay nasorpresa sa pagdadalantao ng kanilang idol. Pero natuwa ang mga ito dahil muling natupad ang pagnanais nitong masundan si Isabella.

Ramdam na ramdam na gusto na talagang manganak ni Mariel.

Rocco, Enzo naglandian sa Instagram

Puspusan na ang paghahandang ginagawa ni Rocco Nacino bilang bahagi ng lalabas na bagong serye ng GMA-7, ang Tagalog adaptation ng Koreanovela na “Descendants of the Sun” na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Nag-post si Rocco ng topless photo niya sa isang gym, habang hawak nito sa magkabilang kamay ang metal plates. Base sa larawan, pormado na ang pigura ng Kapuso actor, pero sa caption ay sinasabi nitong kulang pa ito sa goal na inaasam niyang ideal body form.

Asahang mara-ming mga pa-abs at pa-yummy scenes si Rocco sa serye na magpapalaway sa kanyang mga beki at female fan.

Samantala, na-sabihan ng “ang landi niyo” ng isang follower na si @kipoebanda sa IG post na ito sina Rocco at Enzo Pineda. Nagkulitan sa comment sina Enzo at Rocco.

Sey ni Enzo (@its_enzopineda), “Swerte naman po ng plates @nacinorocco.”

Sumagot naman si Rocco sa palakol na ginagamit ni Enzo sa martial arts training nito.

@rocconacino, “Its_enzopineda mas swerte yung axe na sina-shar-pen mo..”
Hindi naman kataka-takang magkulitan at magbiruan ang dalawang macho studs dahil dating Kapuso si Enzo, at nagsama na rin ang dalawa sa ilang mga projects bago pa lumipat sa kabilang network ang huli.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy