Una sa Balita

JAKE, MAS ‘DEMONYO’ KAY GERALD NGAYON!

By
0 4

gerald-kim-coleen-jakeNakabenda pa rin ang kamay ni Jake Cuenca nu’ng humarap siya sa media para sa grand launch ng teleserye nila nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Pero giit ni Jake, okey na okey na siya, matapos ang aksiden­te sa bisikleta kama­kailan lang.

“Better. A lot better. Actually bukas (today) ang last appointment ko sa doctor. So, bibigyan na nila ako ng go signal na puwede na akong mag-race.

Kasi, plano kong mag-race na agad by next Sunday. May duathlon din kami nina Kim at Gerald,” kuwento ni Jake.

Nahinto ba ang taping nila dahil sa aksidente niya?

“Pinilit ko pa rin mag-tape talaga kahit medyo bawal pa. Matigas kasi ulo ko. Ang mahirap kasi sa triathlon, kapag nag-stop ka lang ng ilang linggo, hihina ka na. Parang magda-doubt ka na rin sa sarili mo kung kaya mo pa ring gawin.

“So, ang ginagawa ko, nu’ng bali siya (mga daliri sa kamay), tinatali ko na lang siya sa dibdib ko, tapos nagra-run pa rin ako.

Tapos sa bike, sa bahay lang. Hindi gumagalaw `yung bike, pero `yung lakas sa legs, ‘yun ang tini-train ko. Kumbaga, ang naiwan lang sa akin ay `yung swim, pero, pag binigyan na ako ng go signal ng doctor, magsu-swimming agad ako,” nakangiting tsika pa ni Jake.

“Naka-bandage pa ang kamay ko, kasi hindi puwedeng ma-expose, kasi inope­rahan siya. So, hindi puwede ma-expose ang sugat, until sabihin ng doctor na puwede na,” dugtong pa ni Jake.

Kumusta nga pala ang reunion nila nina Kim at Gerald?

“Sobrang saya. Sabi ko nga nu’ng nag-usap kami ni Gerald, it’s never a dull moment. At saka, para sa akin sob­rang special ang Kimerald. Kasi I started sa ABS-CBN na sila ang nakatrabaho ko.

“And to see them evolve, to see us, kahit si Coleen, nakasama ko sa Pasion de Amor, makita na ganito, nakakatuwa. Masaya rin ako, kasi… Naalala niyo naman si­guro `yung ginawa ko sa Ikaw Lamang kay Kim.

“Kasi this time around, nag-iba ang dynamics. At saka, gusto ko talagang katrabaho si Kim,” tuluy-tuloy na tsika pa rin ni Jake.

“Nire-remind ko na siya na rehearsal pa lang ito, Jake. Dati kasi sa Ikaw Lamang, rehearsal pa lang, sampalan scene, klik (sinampal siya ni Jake). Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang singit ni Kim.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Pero, kami nga ni Gerald, tinawagan ko siya a few weeks ago, at sinabi ko nga sa kaniya, if I had a chance, kung may ibang show, kung saan ako puwedeng ilagay, I wouldn’t change a thing. Ito pa rin ang gugustuhin ko.

“And I’m happy na I’m supporting Gerald and Kim sa project na ito. I’m happy na villain ako in this project. Masaya ako sa show,” sabi pa rin ni Jake.

Well, sa kuwento pa lang ni Jake, parang ramdam mo na na mas walanghiya siya ngayon, mas demonyo siya ngayon, sa laban nila ni Gerald, dahil kay Kim.