Una sa Balita

Jake, Kylie pasaway sa ECQ protocol

0 475

Sa mga fan nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca, tinawanan lang nila ang isang netizen na nagkuwestiyon kay Kylie kung bakit daw kailangang dalawa pa sila ni Jake na lalabas para mag-grocery.

Hindi malinaw kung live-in arrangement na ba silang dalawa o pareho lang ng condo at magkaiba ang unit, pero ang sigurado, the whole ecq, tila inseparable ang dalawa.

Sinagot ni Kylie ang nagtanong nang, “I honestly cannot stand stupid questions.”

May um-agree sa sagot ni Kylie at nag-reply rin dito nang, “nice hahaha,” “di nga siya sasagot kasi tanga yung tanong mo,” “You don’t matter to Kylie. So please take a seat.”

Pero marami rin ang hindi sang-ayon sa naging response ng girlfriend ni Jake sa tanong. Legit naman daw ang question dahil sa panahon ngayon, kung magkasama sila sa isang household, isa lang naman daw ang allowed na lumabas para mag-grocery.

Sabi ng isang netizen sa nagtanong, “I find your question relevant and not stupid at all. The only reason why she said it was stupid is that she cannot justify the fact that they not following strict protocols during quarantine, so who’s the real stupid here?” (Rose Garcia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More