Una sa Balita

Jake, Inah super lambingan sa Palawan

By
0 1,129

Hindi nagpahuli ang magsyota na sina Jake Vargas at Inah de Belen sa pagpasok ng summer. Kailan lang ay namataan sila sa kanilang summer getaway sa El Nido, Palawan kunsaan pinakita nila na going strong pa rin ang kanilang relasyon.

Sa mga pinost na photos ng dalawa sa IG, makikitang holding hands silang naglalakad sa beach at magkayakap sa ilalim sa lilim ng malalaking bato.

Naglagay ng caption si Jake na “My love” samantalang si Inah ay may caption na: “I could stare at this all day.”

Wala pang bagong teleserye sina Inah at Jake after ang “Ika-5 Utos.” Pero napapanood si Jake sa sitcom na “Pepito Manaloto” at si Inah naman ay may natapos na horror film under FOX Philippines titled “Maledicto” kunsaan kasama niya sina Tom Rod­riguez, Miles Ocampo at Jasmine Curtis-Smith. Mula ito sa direksyon ni Mark Meily.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy