Una sa Balita

Jake Ejercito naudlot ang sorpresa kay Alonzo

0 640

Mukhang nali-link naman ngayon si Jake Ejercito kay Bea Alonzo, matapos makita sa IG story ng dalaga na kasama niya ang binata. Pero sabi naman ni Jake sa akin ay wala raw ‘yun at kulitan lang daw talaga.

Nakausap ko si Jake sa birthday party ni ­Precy Ejercito na kanyang sister-in law. Biruan lang daw ng barkadahan ‘yon. Sa katunayan nitong Sabado ay kinontak kami ng It’s Showtime para i-guest nila si Jake bilang surprise sa isang segment para kay Bea Alonzo.

Pero sa araw na iyon ay birthday ng anak ni Jake kay Andi Eigenmann na si Ellie, at nung lunchtime na iyon ay susunduin na ng ina ang anak at baka raw magtampo ang bata kung wala siya sa pag-alis ng bata. Sayang nga raw sabi ni Jake at nataon sa oras na iyon.

Jeric, Sheryl ­nakakadala ang landian

Masuwerte talaga ang 2019 kay Jeric Gonzales. Bukod sa mga pinapangarap niya noon na nakamit niya sa taong ito ay pinagpala pa rin ang kanyang pinagbibidahang teleserye, na kung saan ay nakakuha nga sila ng mataas na ­ratings.

Marami na talaga ang sumusubaybay sa ­Magkaagaw, dahil sa ­mapangahas na eksena ni Jeric opposite Sheryl Cruz na mas matanda sa kanya. At marami nga ang nagsasabi na baka mauwi sa seryosong relasyon sina Sheryl at Jeric, ha!

Kunsabagay, hindi ­naman ganun katanda si Sheryl na very much ­single pa rin ngayon. So, why not? Eh, sa totoo lang, nakakadala talag ang maiinit nilang eksena, ha!

Si Klea Pineda ang asawa ni Jeric sa Magkaagaw, pero ­nilalandi nga siya ni Sheryl ­bilang paghihiganti sa ­pamilya ni Sunshine Dizon.

Umusad na rin ­talaga ang singing career ni Jeric matapos i-release ng GMA Music ang unang single niya na Taksil na nag-trending sa Twitter at umani ng positive review sa mga netizen.

Kung noon ay sinasabi na wala pa siyang napapatunayan, heto at iba na ngayon. Isa na siya sa mga sought after actor at marami na ang nagkaka-interest sa kanya. Sana huwag sayangin ang kainitan ng career ni Jeric ngayon at alagaan nila ito ng bongga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy